Kabanata 44 - Ang Pagbawi ng Kaharian ng mga Diwata

897 25 8
                                    



"Bakit ang tahimik ng Lireo?" tanong ni Agane pagkapasok.

"Agane, maghanda kayo! Hindi maganda ang pakiramdam ko sa katahimikang ito" sambit ni Hagorn sa kanyang mashna.

"Esta - -"

Bago pa nakasigaw si Agane ay lumitaw si Pirena at sinaksak ito at ito ang naging hudyat sa paglabas at pagsugod ng mga kawal na nagtatago at lihim na nagmamatiyag sa pagrating nila Hagorn.

"Ahhhh" daing ni Agane.

"Ataydeeeeeeee!" sigaw ni Hagorn sa kanyang mga kawal at naglaho siya.

"Si Lilasari" sambit niya pagkalitaw niya sa punong bulwagan ng Lireo.

"Hagorn" napatigil si Hagorn sa paglakad ng marinig niya ang pamilyar na tinig.

"Amihan" nakangiting sambit ni Hagorn ng makita niya ang reynang napabagsak niya.

Inihanda ni Amihan ang kaniyang sarili dahil alam niyang mahirap kalabanin ang encantado na nasa kanyang harapan.

"Hanggang ngayon ba Amihan gigil na gigil ka pa rin na ipaghiganti ang iyong ama?" nakangiting tanong ni Hagorn.

"Ang iyong amang walang kwenta?"

"Pashnea!" sigaw ni Amihan at sumugod kay Hagorn ngunit bago pa makaatake si Amihan ay inilabas ni Hagorn ang kambal-diwa ng brilyante ng diwa.

"Lumaban ka ng patas! Hagorn"

"Walang hari ang lumalaban ng mag-isa Amihan, tandaan mo iyan" sambit ni Hagorn at naglaho.

"Paopao, itigil mo na to! Hayaan mo akong sundan si Hagorn"

"Manahimik ka bumagsak na reyna ng mga diwata, kailanman ay hindi na kita pagbibigyan" sambit ng kambal-diwa ni Paopao at nagsimulang umatake.

---------

"Lila sari! Lila sari! Nasaan ka?!"

"Lila sari!"

"Mahal ko" sambit ni Lila sari at kaagad na yinakap si Hagorn.

"Mabuti at maayos ka lamang" sambit ni Hagorn habang yakap-yakap niya si Lila Sari.

"Hindi mo alam kung gaano ako katakot ng sumugod ang mga diwata mabuti na lang at naisipan ko na pumunta dito sa silid na ito kahit papaano ay hindi pa ako natutuntun ng mga sang'gre" sambit ni Lila Sari at kumalas sa pagkakayakap kay Hagorn.

"Mabuti naman at sa ganun, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka"

"Ako alam ko ang gagawin ko kapag nawala ka" sambit ni Lila Sari at sinaksak si Hagorn gamit ang isang sandatang dahan-dahan niyang kinuha.

"Wenuvishka! Taksil ka!" sambit ni Hagorn at inilabas ang brilyante

"Hinahamon kita Hagorn papaano mo gagamitin ang iyong brilyante ng hindi ka nasasaktan?"

"Brilyante ng tubig, inatasan kita, kunin mo ang tubig na dumadaloy sa katawan ng aking asawa ng sagayun mawala –"

Mas idiniin ni Lila Sari ang kanyang pagkakasaksak kay Hagorn.

"Ahhhh" daing ni Hagorn ng maramdaman niya ang pagkalalim ng natamo niyang saksak mula kay Lila Sari.

"Subukan mo Hagorn dahil pinapangako ko sa'yo sabay tayong mapupunta sa balaak ngunit kung gagawin mo ang gusto ay ipinapangako ko na lalabas ka dito ng buhay"

"Anong gusto mo?"

"Ang isa sa mga brilyante na hawak mo. Akin na Hagorn, ibigay mo sa akin ang brilyanteng hawak mo"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon