Kabanata 43 - Kapangyarihan ng Brilyante ng Lupa

960 33 7
                                    


Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Anthony ang nakaratay na walang buhay na katawan ni Alexandra.

"Are you guys pranking me?" nagtatakang tanong ni Anthony sa kanila "Napakahinding magandang biro ito!" galit na sambit ni Anthony at nagmadaling pumunta papalapit sa katawan ni Alexandra "Alex, get up! This joke won't work on me!" sambit ni Anthony habang yinuyugyug ang katawan ni Alexandra.

"Alexandra, ano ba? Hindi na magandang biro ito!" Halata sa tono ng boses ni Anthony ang pagkairita "Dre? Alam kong gising ka na kaya please wake up"

Naramdaman niya ang kamay na nakapatong sa kanyang balikat "Ma'am" garalgal ang boses ni Anthony ng sinambit niya ang katagang ito at di niya na napigilan na lumuha ng makita ang mga nangingilid na luha at basang pisngi ni Danaya.

Yinakap ni Danaya si Anthony "Pasensya ka na at di ko siya naprotektahan" bulong ni Danaya sa mortal.

Kumalas ng dahan-dahan si Anthony sa pagkakayakap niya kay Danaya at tinignan niya ang nakaratay na katawan ni Alexandra at sinabing "No, No! This can't be - - Hindi pwedeng mangyari kay Alexandra ito" sambit ni Anthony at pumunta sa gilid ni Alexandra at hinawakan ang kamay nito "Wake up, cous, akala ko ba babalik pa tayo sa mundo ng ko para ayusin ang lahat? Alexandra you promised me that! Gumising ka na please" pagsusumamo ni Anthony habang umiiyak.

Tahimik lang na umiyak si Danaya habang yakap-yakap siya ni Amihan para kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito.

Tahimik din na umiiyak sila Lira at Mira, nagkatinginan sila bago nila yinakap ang isa't-isa para kahit papaano ay mabigyan nila ng lakas ang isa't-isa.

Tahimik na umiiyak si Alexus ngunit nakakuyom ang kaniyang kamay.

Pinipigilan lang ni Ybrahim na umiyak sa harap ng kanilang mga nasasakupan, masakit man sa kanya ang nangyari ay hindi niya masisi si Alena dahil alam niyang nasasaktan din ito sa pagkawala ni Kahlil.

Ramdam niya ang namumuong tensyon na nangyayari sa kaloob-looban ni Alexus kaya wala siyang magawa kundi hawakan ang balikat nito upang mapakalma ito kahit papaano.

"Ang mga retre" sambit ni Imaw kaya naaptingin ang lahat sa bintana at kaagad na lumibot ang mga retre sa walang buhay na katawan ni Alexandra.

Tahimik lang na umiiyak si Andrew "Poltre kung hindi kita naprotektahan, E Correi"

"Hindi! Hindi niyo siya pwedeng kuhanin" sambit ni Anthony habang tinataboy ang mga retre "Buhay siya! Natutulog lang siya! Alexandra gumising ka na please!"

Parang sinaksak ng ilang beses ang kalooban ni Danaya ng marinig iyon galing kay Anthony.

"Sana nga natutulog lang siya" sambit ni Danaya sa kaniyang sarili "Sana nga hindi na lang siya nagising bago kami naglaban ni Alena dahil maski papaano alam kong humihinga at makakasama ko pa siya" sambit ni Danaya sa kanyang sarili habang patuloy na umiiyak ngunit kailangan niyang magpalakas ng loob dahil alam niyang nanaisin ni Alexandra ang isang matahimik na Encantadia kung ito'y nabubuhay pa at ipinangako niya kay Alexandra na kahit anong mangyari ay ibabalik at ibabalik nila si Anthony sa mundo ng mga tao.

"Anthony, tama na" sambit ni Mira ng makalapit siya kay Anthony para mapigilan ang ginagawa nitong pagtataboy sa mga retre.

"Mahamik ka! Kung hindi mo naisip na bumalik rito at dalhin siya rito no - kung hindi ka napunta sa puder ko! Di sana buhay pa si Alexandra at hindi siya nakaratay dito at pinalilibutan ng mga paru-paro! Sana hindi ko na lang kayo nakilala! Sana hindi ko na lang kayo tinilungan"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon