Kabanata 39 - Galit ni Alena

847 31 11
                                    



Mga hagulgol ng mga encantado at encantada iyan ang maririnig mo sa bulwagan ng Sapiro kung saan nakaratay doon ang mga namayapang kawal sa piling ng kanilang pamilya.

Nandoon rin nakaratay ang walang buhay na katawan ni Kahlil, ang anak ni Alena at Ybarro.

"Ang mga retre" sambit ni Mira ng makita ang mga asul na retre na patungo kay Kahlil.

Napatingin si Alena sa mga asul na retre na papalapit kay Kahlil "Hindi! Hindi ito maari" umiiyak na sabi ni Alena at tsaka napatingin siya kay Kahlil "Hindi niyo pwedeng kunin ang anak ko" dagdag na sambit pa nito habang binubugaw nito ang mga retre "Pakiusap" sambit nito habang hawak-hawak niya ang kamay ni Kahlil.

Napatingin sa ibang direksyon si Amihan dahil kunti na lang at pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya habang pinapanunuod ang pagdadalamhati ni Alena. Tahimik siyang umiiyak sa kanyang kinatatayuan.

"Alena" tawag ni Ybrahim sa ina ng kanyang namayapang anak na si Kahlil at yinakap niya ito patalikod. Pinipigilan at tila pinapakalma niya ito sa pamamagitan ng pagkakayakap niya "Pakiusap, tama na" umiiyak man siya habang pinipigil si Alena sa ginagawa nitong pagtataboy sa mga retre ay kailangan niyang magpakakatatag par kahit papaano ay may masasandalan si Alena "Hayaan na natin siyang magpahinga"

"Ybarro ang ating anak" umiiyak na sambit ni Alena.

"Tahan na" pag-aalo ni Ybrahim kay Alena.

"Bakit kailangan siya pa ang mawala?"

Kanina pa gusto ni Danaya lapitan ang kaniyang kapatid upang mayakap niya ito para kahit papaano ay may maging sandalan ito at malaman nito nandyan lang siya para kay Alena ngunit di niya ito magawa dahil hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang kaniyang sarili kung bakit nawala sa kanyang tingin ang anak ng kanyang kapatid.

"Patawad Kahlil sana kung dumating ako ng mas maaga ay di na sana nangyari ito" sambit ni Danaya sa kanyang sarili habang umiiyak.

"Voya pring Sang'gre Devas" sambit ni Imaw.

"Voya pring Sang'gre Devas" pag-uulit ng mga encantado na naroroon.

"Kahlil!" umiiyak na sigaw ni Alena pagkawala ng katawan ni Kahlil. Kasabay ng paglaho ng katawan nito ay naglaho rin ang mga katawan ng mga napaslang na kawal.

"Hindi! Hindi maari ito! Hindi pwedeng mamaalam si Kahlil ng ganito" umiiyak na sambit ni Alena at tuluyan na nanghina ang kanyang buong katawan kaya napaupo na lang siya sa sahig.

"Alena" sambit ni Ybrahim at bakas sa kanyang pagmumukha ang gulat ng makita niyang napaupo si Alena sa sahig ng Sapiro.

"Emre, pakiusap ibalik mo sa akin si Kahlil" umiiyak na sambit ni Alena.

Napatingin si Amihan sa ibang sulok dahil hindi niya kayang nakikita ang kanyang kapatid na naghihirap ng ganito.

"Alena, tahan na" pag-aalo ni Danaya sa kanyang kapatid dahil hindi na niya kinakayang pagmasdan ito.

Tahimik na umiyak si Ybrahim habang pinagmamasdan si Alena na tumatangis. Parang pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan niya itong nanghihina.

"Hindi sana mawawala ang anak ko ng ganito kung hindi mo sila pinayagan na sumali sa labanan" sambit ni Alena habang matalim na tinitignan si Amihan.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon