(Sa Mundo ng mga Tao)
"Ang ganda!" manghang-mangha na sabi ni Mira habang pinapanuod niya ang eroplanong lumilipad "Ang laki pala ng mga ibon niyo dito niyo?"
Kunot noong tinignan ni Anthony si Mira "Ibon?" sabi niya sabay napafacepalm "Seriously, your calling an airplane an ibon? Saan ka ba talagang probinsya nanggaling Mira?" natatawang sabi ni Anthony.
"Airplane pala ang tawag sa bagay na lumilipad na yan?"
"Oo" umiiling na lang ito.
"Maitanong ko lang sa'yo Anthony anong ginagawa natin dito"
"May susunduin tayo"
"Susunduin? Sino at bakit pa kailangan natin siyang sunduin hindi niya ba alam kung saan ang kaharian niyo?"
Napaface palm si Anthony dahil sa sinabi ni Mira, ilang ulit niya na kasing sinasabi ito kay Mira. "Mira, bahay ang tawag sa tinitirhan natin at hindi kaharian nor palasyo"
"Ah oo nga pala, bahay pala ang tawag nun sa mundo ninyo"
Huminga na lang ng malalim si Anthony at tsaka tinututok ang atensyon niya sa taong inaabangan nila para sunduin at hindi niya na lang pintindi ang pinagsasabi ni Mira.
"Anthony!" sigaw ng isang babae na may dala-dalang traveler's bag.
"Alexandra?" yan lang ang sinabi ni Anthony ng marinig niya ang boses ng isang babae kaya hinanap niya ang pinanggalingan mg boses nito "Alexandra!"
Tumatakbong papunta si Anthony nang makita niya ang babaeng nasa harapan niya na nagngangalan na si Alexandra at yinakap ito.
Lumapit naman si Mira kila Anthony at sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil kanina pa ito magkayakap.
"I miss you Alexandra" bulong ni Anthony.
"Namiss din kita Anthony" nakangiting sabi ng babaeng nasa harapan nila.
Ilang minuto pa ay hindi pa rin kumalas ito sa pagkakayakap kaya tumikhim na sila Mira. Kumalas naman sila pagyayakapan at tinignan nila pareho si Mira.
"By the way Alexandra" tinignan ni Anthony si Mira tapos binalik naman kaagad nito ang tingin kay Mira "Meet Mira, Mira, yung kwinekwento ko sa'yo over the phone" ngumiti naman si Alexandra kay Mira "Mira, meet my best buddy Alexandra"
"Best buddy talaga ha?"
Ngumiti lang si Anthony at sinabing "Totoo naman kasi"
"Heh! Ewan ko sa'yo"
"Hi" sabi ni Alexandra sabay abot ng kamay niya "I'm Alexandra"
Tinignan lang ni Mira ang kamay ng nasa harapan niya.
"Mira, you need to shake the hand of Alexandra kasi nagpapakilala siya sa'yo"
"Anong sabi mo Anthony, hindi kita maintindihan"
Natawa na lang si Alexandra at inalis ang kanyang kamay "Wag na natin gawin yun, for formalities lang naman kasi yun eh, Mira tama ba?"
Tumango lang si Mira.
"Nice to meet you" nakangting sabi ni Alexandra at tsaka binaling nito ang kanyang tingin kay Anthony "Anthony would you please help me carry my other things?"
"Sure" sabi naman nito saka kinuha ang mga ibang gamit ni Alexandra.
.
.
.
.
.
Pagkalipas ng tatlong araw na sinundo nila si Alexandra at sa bahay din nila Anthony ito namalagi at parating magkasama ang dalawa sa opisina at sa uwian tapos masaya pa itong nag-uusap na tila bang pakiramdam ni Mira ay nagseselos na siya sa closeness ng dalawa.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
Fiksi PenggemarThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.