Kabanata 36 - Labanan sa baybayin ng Sapiro

769 35 7
                                    


(MGA KAGANAPAN BAGO NAGPUNTA ANG HUKBO NILA AMIHAN SA DALAMAPASIGAN NG SAPIRO)

"Isang digmaan ang dahilan kung bakit tayo magtutungo sa baybayin ng Sapiro. Bakit mo pinayagan ang mga bata para makipaglaban?" hindi makapaniwalang tanong ni Alena sa kanyang kapatid na reyna.

"At sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala para sa kanila Alena? Sa tingin mo ba gusto ko ang naging desisyon ko. Hindi Alena ngunit anong magagawa ko kung nagdesisyon na silang lumaban kasama natin"

Hindi makapaniwalang tinignan ni Alena si Amihan "Ikaw ang reyna Amihan, alam mong desisyon mo pa rin ang masusunod"

"Narinig mo ba ang mga sinasabi nila kanina Alena? Sa tingin mo ba ay mapipigilan ko pa kung bugso ng damdamin ang pinapairal nila?"

"May punto si Amihan, Alena"

"Pati ba naman ikaw Danaya? Bakit ka sumasang-ayon sa kay Amihan dahil ba hindi kasali ang iyong anak sa labanan?"

"Alena!" sabay na sigaw nila Amihan at Ybrahim para pagbantaan si Alena dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Mas gugustuhin ko pang sumali si Alexandra sa labanan dahil doon makikita ko siya habang nakikipaglaban hindi katulad ngayon na hindi natin alam kung saan lupalop siya ng Encantadia na paparoon" sambit ni Danaya "Poltre ngunit may kailangan pa pala akong asikasuhin para sa nalalapit na digmaan" dagdag na sambit ni Danaya at umalis.

"Alena, hindi ko nagugustuhan ang iyong sinabi kay Danaya"

Alena rolled her eyes and was about to walk out when Ybrahim grab her arms and said "Alena, kung hindi mo gusto ang naging pasya ni Amihan ay kausapin mo si Kahlil. Hindi na ako magtataka kung hindi siya pumayag, sadyang napakakulit ng aking mga anak at hindi na ako magtataka kung bakit sadyang may pinagmahan ang mga batang sang'gre" sambit ni Ybrahim habang umiiling at nilet go ang kamay niya na nakahawak kay Alena "Patawad kung naabala kita sa iyong pag-alis"

.

.

.

.

.

"Danaya" tawag ni Alena sa kanyang bunsong kapatid.

Napahinto si Danaya sa kanyang sasabihin ukol sa kanilang estratihiya sa pagsalakay at napatingin sa gawi ni Alena "Aquil, ikaw muna ang magpaliwanag sa kanila" sambit ni Danaya at lumakad patungo sa kinatatayuan ni Alena "May kailangan ka Alena"

"Hindi ko nais na magkasamaan tayo ng loob bago ang labanan kaya humihingi ako ng paumahin ukol sa aking sinabi. Poltre hindi ko iniisip ang lumalabas na salita sa aking bibig"

Ngumiti si Danaya ng matipid "Naiintindihan ko Alena, gaya ng aking mga hadia bugso ng damdamin ang iyong pinapairal, damdamin ng isang nag-aalalang ina sa kanyang anak. Kaya wag mo ng isipin iyon, dahil naiintindihan kita" sambit ni Danaya.

"Avisala Eshma, Danaya" sambit ni Alena at yinakap si Danaya.

.

.

.

.

.

"Wari ko sa iyong suot ay tama nga ang narinig kong bulungan ng mga kawal" "Sasali ka nga ba sa digmaan, Andrew?" tanong Alira Nasween ng makita niyang umiinom si Andrew ng tubig na kakaabot lang ng isang dama. Isang upang matiyak niya ang kanyang narinig na bulung-bulongan ng mga kawal.

Inilagay ni Andrew ang baso na ginamit niya sa mesa at tinignan ang mashna ng Sapiro "Siyang tunay, mashna"

"Pero bakit? Bakit mo iaalay ang iyong buhay para sa mundong hindi naman nararapat? Hindi ka tagarito Andrew pero bakit?"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon