Alternate World

917 30 30
                                    

What happens when Sanggres grows up and have a family in the human realm? Have you ever given it a thought? So here is a special chapter about it since hindi pa ako makakapagupdate nito. 

Kakagising lang ni Ybrahim at napangiti siya ng una niyanv masilayan ang pinakamahalagang tao sa tabi niya.

Hinagkan niya ang noo nito at sinabi "Di mo alam sa halos araw-araw na ginawa ng diyos ay nagpapasalamat ako sa kanya at ibinigay ka sa akin, Amihan"

Dahan-dahan niyang binawi ang kamay niya kung saan nakaunan si Amihan para makabangon na siya at nang magtagumlay siya ay dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising ang kanyang reyna.

Bumababa siya sa kusina para magluto. 

"Ang bango naman niyan, Daddy ah" sambit ni Lira pagkababa niya. 

"Anong nakain mo kagabi anak?" 

"Edi fried chicken, yun ang ulam natin kagabi diba? Bakit mo tinatanong Dad?" 

"Himala kasi na ka ng maaga ngayon" sambit ni Ybrahim habang natatawa ng makita niyang kumunot at nagroll eyes si Lira. 

"Kasi naman ngayon lang hindi nanging pulyado ang alarm ng cellphone ko" 

"Ang sabihin mo kasi ngayon ka lang nagseset ng alarm. Kung hindi ka pa napagalitan ng mommy mo dahil pati ang mga pinsan mo nalate ng dahil sa'yo hindi ka magseset ng alarm" 

Ngumuso si Lira "Grabe ka naman sa akin Dad, hindi naman ako ang palaging dahilan kung bakit kami nalalate ah" 

"Utot mo asul Lira. Gisingin mo na nga si Alexus at baka kahit maaga ka pang magising late pa rin kayo dahil ang bagal mong kumilos" 

"Hindi kaya, si Daddy hindi ka nakascore kay mommy no kaya ako pinag-iinitan mo ngayon?" 

Pinalakihan ni Ybrahim ng mata ang anak "Lira!" 

"Sabi ko nga maliligo na ko at gigisingin ko na si Alexus, makapanhik na nga sa itaas at kay aga-aga at mapalo pa ako" 

"Kung hindi ko lang nakita na ipinanganak ka ni Amihan aakalain ko talaga na anak ka ni Danaya" sambit ni Ybrahim habang umiiling-iling. 

Nanlaki ang mga mata ni Ybrahim ng maramdaman niya na may humapit sa bewang niya "Aga-aga highblood ka nanaman" 

Napangiti si Ybrahim ng marinig niya ang hindi niya malilumutang boses "Yan anak mo kasi, ang aga-aga nangungulit na" 

"Kilala mo naman si Lira, walang pinipiling lugar at oras ang kakulitan niyan"

Ybrahim chuckled at tsaka nagkatinginan sila ni Amihan at halata sa kanilang mga labi ang saya ng kanilang nararamdaman. 

~

"Alexandra, baby wake up" sambit ni Aquil habang ginigising ang kaniyang anak. 

"5 minutes more please" sambit ni Alexandra at tsaka umikot dahil tumatama na sa mukha niya ang sinag ng araw. 

"Hindi pa ba gumigising ang batang iyan?" 

Kaagad na napabangon si Alexandra ng marinig ang boses ng kaniyang mommy "Gising na po ako! Hindi ba daddy?" 

Natawa si Aquil dahil sa reaction ni Alexandra "Oo, mahal, gising na siya" 

"Boses lang pala ng mommy mo ang kailangan mo eh para magising ka. Next time irerecord ko boses ng mommy po tapos iyon ang iseset kong tone sa alarm mo" 

"Daddy naman eh! Inaantok pa nga ako tapos inaasar mo pa ako" 

"Paano hindi ka aantukin eh magkachat nanaman siguro kayo nila Mira at Lira hanggang madaling araw ano?" 

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon