Kabanata 23: Pagtanggap

1.4K 44 9
                                    


"Napakaganda ng iyong tinig encantada" puri ni Ybarro ng narinig niya ang isang tinig na kumakanta kaya sinundan niya ito.

Napalingon si Lira at gulat siyang tinignan ang taong nasa harapan niya ngunit kaagad naman siyang nakabawi sa kanyang pagkagulat at ngumiti "Itay" sambit nito at kaagad na yinakap si Ybarro.

Hinayaan lang ni Ybarro ang diwata na yumakap sa kanya nang kumalas ito ay ngumiti siya.

"Itay? Hindi ba ang ibig sabihin nun ay ama?" nagtatakang tanong ni Ybarro.

Tumango ang diwata.

"Kung gayun diwata, bakit mo ako tinatawag na itay"

"Kasi po ikaw ang itay ko" nakangiting sambit ni Lira na ikinakunot-noo naman ni Ybarro.

"Patawad encantada, ngunit sino ka ba ulit?"

Ngumiti ng mapait si Lira nakalimutan niya na hindi pa pala siya naalala ng kanyang mga magulang kahit na tinanggap na siya na anak ni Amihan ay kagaya ni Alexandra ay alam niyang nagdadalawang-isip pa rin si Amihan sa kanya.

"Ako po si Lira" pagpapakilala niya sa kanyang sarili "Ang anak niyo ni Reyna Amihan"

"Patawad, encantada ngunit sa pagkakaalam namin ay namayapa na ang anak kaya pakiusap lang wag mong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ni Amihan"

Natigilan si Lira sa sinambit ni Ybarro "Tama nga. Walang ibang mas nasasaktan sa balitang ako ay namatay kundi si Inay" sambit ni Lira sa kanyang isipan.

"Naririnig mo ba ako encantada?"

"Opo" sambit ni Lira at tumingin kay Ybarro "Naiintindihan ko po"

"Kung gayon - -"

"Ybarro nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap"

Parehong napalingon sila Ybarro at Lira sa gawi ng nagsalita.

"Alena, paumanhin nagising kasi ako nang marinig ko ang isang napakagandang tinig kaya ako napunta dito"

Tumango lang si Alena at tinignan si Lira mula ulo hanggang paa.

"Sino ka diwata? At bakit mo suot ang damit ng aking hadia?" nagtatakang tanong ni Alena habang nakakunot ang kanyang noo.

"Pasensya na po ngunit ito po ang pinasuot sa akin, Mahal na Sang'gre" sambit ni Lira at yumuko.

"Hindi ba ikaw ang dama na nangangalaga kay Mira at Alexandra?"

Tumango si Lira na nakangiti.

"Hindi mo dapat ginagalaw ang damit ng isang sang'gre" sambit ni Alena "Masama na ngang ginagamit mo ang pangalan ng yumaong anak ng aking apwe"

Natigilan si Lira sa sinabi ni Alena.

"Alena.... tama na, baka hindi lang niya alam ang kanyang ginagawa" pagpipigil ni Ybarro kay Alena.

"Hindi alam ang kanyang ginagawa? Ybarro, paano niya malalaman kung walang magsasabi sa kanya!" galit na turan nito.

"Patawad po, Mahal na Sang'gre" sambit ni Lira at yumuko.

"Lira, nandito ka lang pala" sambit ni Mira ng makita si Lira na may kausap "Ashti Alena? Rehav Ybrahim?" hindi makapaniwalang sambit nito.

"Mira, bakit mo pinasuot ang iyong damit sa isang dama?" tanong ni Alena at tinignan ang kanyang hadia.

Tinignan ni Mira si Lira at pagkatapos ay tinignan ni Mira si Alena "Wala namang masama sa ginawa ko Ashti, hindi ba? Isa pa katulad natin ay - -"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon