"Lira tibayan mo kasi ang pagdepensa mo" sambit ni Alexandra at tinuro ulit kung paano dalhin ang espadang kahoy na hinahawakan ni Lira. Siya kasi ang inatasan ng kanyang Ashti Amihan sa pamamahala ng kanilang pag-eensayo kapag wala ang kanyang ina na si Danaya.
"Beshie, pwede time first muna?" takang-tanong ni Lira kay Alexandra.
Tinaasan lang ng kilay ni Alexandra ang kaniyang pinsan ngunit matigas talaga ang ulo nito kaya wala na siyang nagawa kundi pagmasdan itong umupo.
"Lira, ilang beses na ba tayo nagpapahinga simula ng mag-ensayo tayo kanina?" nakakunot-noong tanong nito.
"Magkapatid nga kayo" puna ni Alexandra at tsaka umiling-iling nang maalala ang mga kaganapan sa mundo ng mga tao noong pinipilit niyang magsanay si Alexus at palagi itong nagrereklamo.
"Alam mo Alexandra imbes dada ka nang dada diyan bakit hindi ka na lang umupo sa tabi ko?" sambit ni Lira at tsaka tinapik ang bakanteng lugar sa tabi niya.
Walang nagawa si Alexandra kundi bumuntong-hininga at sinunod ang inuutos ni Lira sa kanya na umupo.
"Uupo ka rin naman pala eh pa hard to get ka pa" sambit ni Lira.
"Loko-loko! Umupo ka kaya alangan naman mag-ensayo akong mag-isa habang ang pinapaturuan sa akin ay nakaupo lang diba?" sarcastic na sabi ni Alexandra at tsaka siya ngumiti.
Binelatan lang ni Lira ang kanyang pinsan kaya napangiting-umiling na lang si Alexandra.
"Kanina ko pa napapansin na nakatingin sa atin si Andrew ah" nakangting puna ni Lira ng makita si Andrew na nakatayo sa malapit sa isang haligi habang pinagmamasdan ang dalawang sang'greng nagsasanay.
Napalingon naman si Alexandra at ngumiti ng nakita niya si Andrew na kakatalikod lamang siguro narinig nito ang sinabi ni Lira, sa lakas ba naman ng boses ng kanyang pinsan siguro buong encantadia pa ang nakarinig nang sinabi niya.
"Ayeee si Ate kinikilig" puna ni Lira habang tinutulak pa si Alexandra.
"Lira!" nakakunot noong sabi ni Alexandra ng tinulak siya ng malakas ni Lira na naging dahilan kung bakit kamuntikan na mamudmud ang kaniyang mukha sa lupa.
"Sorry" sambit ni Lira at nagpeace sign.
"Tapos na ba ang pagsasanay niyo mahal na sang'gre"
Napalingon naman sila sa kanilang likuran upang tignan kung sino ang nagsalita at sabay silang napangiti.
"Masha Aquil"
"Kuya Aquil" sabay na sabi nilang dalawa.
"Anong giangawa mo dito Kuya Aquil?" takang-tanong ni Lira kay Aquil "Hindi ba magasama kayo ni Ashti Danaya?"
Kaagad na napatayo si Alexandra dahil naalala niyang magkasama sila Aquil at Danaya dahil may pinag-uutos ang reyna sa mga ito "Lira, tumayo ka na nga jan at malilintikan nanaman tayo ni ina kapag nakita tayong nakaupo" sambit ni Alexandra kay Lira kaya lumaki ang mga mata ni Lira ng mapagtanto ang ibig sabihin ng sinasabi ni Alexandra at madali siyang napatayo.
Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Aquil kaya napalingon silang dalawa sa gawi nito. At nakita nga nila na pinipigilan nito ang pagtawa habang tintatakpan ang bibig nito para hindi kumawala ang kanyang paghagikhik "Anong tinatawa mo, Mashna?"
Tumikhim si Aquil para kasing si Danaya ang narinig niyang nagsalita dahil sa sinabi ni Alexandra kaya tinignan niya ito "Patawad, Sang'gre Alexandra" sambit ni Aquil at yumuko "Kaya po ako naparito dahil gusting ipahayag sa'yo ni Sang'gre Danaya na mamaya niyo na daw ituloy ang inyong pagsasanay dahil siya mismo ang titingin kung may pagbabago ba sa mga kilos ni Lira sa pakikipagdigma"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.