Kabanata 51 - Gulat

1.1K 27 26
                                    

"Rehav" tilang nanghihinang sambit ni Alexus nang makita niya ang Rehav na nanghihina kahit pa ay nagpapahinga ito. Bakas sa kanyang mga sugat at maputla na labi na malaki ang natamong pinsala nito noong tinangka siyang iligtas ng Prinsipe ng Sapiro. Lumapit siya sa higaan kung saan ito nakahiga at tumalungko para mapantayan ito at tsaka niya hinawakan ang kamay ng Prinsipe ng Sapiro at sinabing "Poltre, poltre, Rehav" di niya napigilan sambit nang makita niya ang kalagayan nito.

"Nais ko lang naman sana kayo iligtas" umiiyak na sambit ni Alexus "Poltre. Hindi ka sana malalagay sa ganitong kalagayan ngayon kung sinunod ko lamang ang iyong utos. Kaya poltre, poltre, rehav"

[Flashback]

"Saan ko kaya nilagay yun?" sambit ni Alexus habang abala sa paghahanap sa kanyang espada sa loob ng kanyang silid ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nakikita nang may maalala siya "Ay oo nga pala, nilagay ko pala iyon sa lamesa bago ako uminum ng tubig kanina sa Sapiro" sambit niya at tsaka gumamit ng ivictus para makatungo siya sa Sapiro.

Hindi naman siya binigo ng kanyang kapangyarihang maglaho at dinala nga siya sa Sapiro "There you are!" sambit niya at kinuha ang kanyang espada at magiivictus na sana ulit nang mapansin niya ang mga kawal na nakahimlay sa kanyang paligid.

"Anong nangyari dito? Bakit ang daming patay na kawal?" tanong niya sa kanyang sarili nang biglang may narinig siyang pumutok dahilan para mapasugod siya sa direksyon na iyon at sa dakilang muog nang Sapiro siya dinala ng kanyang mga paa at doon niya nasaksihan si Ybrahim na muntik na paslangin kung saan nagmadaing siyang magevictus "Prinsipe Ybrahim" sambit niya at tsaka niya hinawakan sila Ybrahim at Wantuk at naglaho.

"Pashnea!" ang tanging sabi ni Hagorn nang makatakas sila.

Sa isang silid ng Sapiro sila dinala ng evictus ni Alexus kung saan mas nakatago sila at pwedeng umisip ng plano "Anong ginagawa mo dito, Alexus?"

"Naiwan ko po kasi ang aking sandata, Rehav kaya ako nagpunta dito nang napansin ko ang mga nakahimlay na mga kawal at narinig ko ang ingay at sinundan ko ito"

"Alexus, sobrang napakadelikado ng iyong ginawa, alam mo ba yun? Kung hindi ka nakapaglaho kaagad at baka napaslang ka na nila Hagorn"

"Ganun rin po kayo kung hindi po ako sumulpot kanina baka po ikaw o di kaya'y si Wantuk ang napaslang"

"May tama naman siya dun, kaibigan"

"Ssheda Wantuk! Lubos akong nagpapasalamat sa iyong ginagawa ngunit kaialangan mo nang umalis at baka ano pang mangyari sa'yo dito"

"Eh papaano po kayo? Hindi po kayo sasama sa akin?"

"Hindi ko pwedeng iwanan ang aking nasasakupan, Alexus"

"Ngunit Rehav --"

"Alexus, umalis ka na bago pa may mangyari sa'yong masama at makahingi ka na rin ng tulong mula sa iyong ina"

"Kung iyon po ang iyong gusto" sambit ni Alexus at tumango bago maglaho.

"Rehav, hindi ko naman minamaliit ang iyong kakayahan mag-isip ngunit hindi ba mas ligtas tayo kung sumama tayo kay Alexus?"

"Para ano? Para iwanan natin ang ibang sapiryan na nagbubuhis ng kanilang buhay para ipagtanggol ang Sapiro?" inis na sambit ni Ybrahim kay Wantuk.

"Bakit nakasarado ang pinto na iyan?" tanong ni Agane na namumuno ng isang hukbo ng mga hathor. Walang umimik sa kanila ni Ybrahim ngunit naririnig nila na ang ingay na mula sa labas na tila ba sinisira ang pinto na namamagitan sa silid na kinaroroonan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon