Kabanata 33 - Ang Totoong Katauhan ni Alexandra

1K 40 24
                                    


"Sang'gre Danaya" tawag ni Ybrahim at tinignan si Danaya ng makasalubong niya ito noong papunta siya sa isang lihim na silid kung saan nakatago ang yaman ng Sapiro "Hara Amihan" bati niya sa katabi ni Danaya at tsaka siya ngumiti.

"Rehav" naiilang na bati pabalik ni Amihan "Wahid" tawag nito sa barbarong kanyang kasama at ngumiti ng matipid bago ito tinignan si Danaya at kinausap.

"Mauuna na kami Ybrahim" pagpapaalam ni Danaya sa kanya tumango lang siya at pumunta sa dapat niyang puntahan.

Ngunit bago pa siya makaliko ay lumingon siya at isang ngumingiting Amihan ang nakita niya. Napangiti siya.

"Sana ako ang dahilan ng iyong pagngiti, mahal kong reyna ngunit sadyang malabo na ata yun" malungkot na sambit nito at ngumiti.

"Kaibigan sadya yatang lumalim na ang iyong pagtingin sa kanya" puna ni Wahid "Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?"

"Dahil kailanman ay hinding-hindi siya mapapasaakin Wahid" may halong lugkot ang pagkasabi nito.

"Dahil ba siya ang reyna ng mga diwata?"

"Siguro unang-una na yan sa mga rason"

"Bakit meron pa bang ibang rason?"

"May paguunawaan kami ni Alena, Wahid baka nakakalimutan mo na iyon"

"Hanggang ngayon ba mahal na Prinsipe hindi ka pa rin nakakapili sa kanila?"

"Si Alena ang una kong minahal Wahid hindi ko lang siya basta-basta maiiwanan"

"Ngunit - -"

"Wahid pwede bang wag na natin ag-usapan to? Pumunta na lang tayo sa dapat nating puntahan at pangako papainomin kita ng alak"

"Yan ang hinding-hindi ko tatanggihan. Tara na Mahal na Prinsipe" sambit ni Wahid at hinila si Ybrahim.

.

.

.

.

.

"Mga dama saan kayo pupunta?" takang-tanong ni Lira.

"Mahal na diwani" sambit ng mga dama at yuyuko na sana

"Wag na kayong magbow. Sagutin niyo na lang yung tinatanong ko, saan nga kayo pupunta?" sambit ni Lira at tinignan ang dalawa niyang pinsan na nag-uusap.

"Sa emporium (palengke) Mahal na diwani"

"Emporium?" nakakunot noong tanong ni Lira.

"Ang ibig sabihin nila ay palengke Lira" pagpapaintindi ni Mira dahil narinig niya kasi ang tanong nito ng papalapit sila ni Alexandra sa kanilang pinsan.

"Talaga?!" makikita mo sa mga mata ni Lira ang excitement "Mga bessy sumama tayo please?" tanong niya at tinignan niya sila Alexandra at Mira "Pretty please? Sige na please?"

"Pwede naman tayong sumama since wala tayong ginagawa dito"

"Alexandra!"

"Ouch!" sambit ni Alexandra at tinignan ng masama ang kanyang pinsan "Mira naman parang malayo tayo sa isa't-isa" naiinis na sambit nito.

"Poltre ngunit hindi ko lang kasi nagustuhan ang pagpayag mo sa suhestsyon ni Lira"

"Wala naman masama doon diba? Isa pa mas maeexplore I mean mas matutuklasan namin ang pasikot-sikot sa Encantadia kapag lumabas kami sa apat na sulok ng Sapiro"

"Ngunit alam niyong bawal, ipinaghihigpit na utos ng ynang reyna na malayo tayo sa Sapiro" sambit ni Mira at bumuntong hininga ng mapansin niya ang lungkot sa mga mata ng dalawa "Isa pa maraming hathor ang umaaligid sa emporium"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon