Nakangiting pinagmasdan ni Ybarro ang natutulog na si Amihan nang mapansin niya na mahuhulog na ang ulo nito ay dahan-daham niyang inayos ang posisyon nila dahil ayaw noyang magising ang mahimbing na pagtulog ni Amihan.
"Nedanus muste, E correi Hara Amihan" nakangiting bulong niya dito.
Pinagmasdan ni Ybarro ang dalawang buwan at mga bituin na nagliliwanag na tingin niya ay para sa kanilang dalawa.
Nagising ang diwa ni Amihan napansin niya na wala siya sa kaniyang kubol at napangiti siya ng maalala na lumabas pala silang dalawa ni Ybrahim. Ngiting tinignan ni Amihan ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso sabay tawag sa pangalan nito "Ybrahim"
Napatingin naman ang Prinsipe sa kanyang Hara "Amihan" nakangiting sabi ni Ybarro.
Nilapit niya ang kaniyang mukha at hinalikan ang reyna at nagpaubaya naman ang reyna sa halik na inaasam ng kanyang prinsipe.
.
.
.
.
.
Pagkasikat ng araw ay unang bumalik si Amihan sa kanilang kuta dahil ayaw niyang mapansin ng kanilang nasadakupan ang pagkamabutihan ng kaniyang loob at ng Prinsipe, sumangayon naman ang Prinsipe dito kaya mas ninais nitong magpaalam muna sa kanya na maghahanap ito ng karagdagang armas at enkantado na pwede nilang sanayin upang maging karagdagang kawal.
"Avisala, Mahal na Reyna"
"Avisala" nakangiting bati ng reyna sa mga kanyang mga nasasakupan habang papunta sa kaniyang kubol.
Nang makarating siya sa kaniyang kubol ay nakita niya si Paopao na nakasimangot napangiti siya habang pinagnamasdan ang batang ligaw "Bakit nakasimangot ka Paopao?"
"Ate Amihan" nakangiting nagtungo si Paopao kay Amihan at yinakap ito "Akala ko po kasi ay nawala na kayo"
"Paumanhin Paopao kung napag-alala kita" sabi niya at hinaplos-haplos ang buhok ng batang ligaw.
Yumuko siya "Hindi ko na uulitin yun" nakangiting sambit ni Amihan "Kumain ka na ba?"
Umiling si Paopao.
"Dama" tawag niya sa kanyang mga dama na nasa labas lang nang kanilang kubol.
"Mahal na Reyna" sabi ng kakapasok na dama at yumuko ito para magbigay galang.
"Pakisamahan si Paopao sa hapagkainan para makakain na siya"
"Pero Ate Amihan mas gusto kong kumain na kasama ka"
Napangiting hinaplos ni Amihan ang batang ligaw "Wag kang mag-alala susunod ako sa'yo"
"Okay po. Tara na po" sabi ni Paopao sa inutusan na dama ni Amihan.
Papunta na si Amihan sa kaniyang higaan ng biglang mapansin niya ang pag-ilaw ng kaniyang palad.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.