Kabanata 37 - Edi Sanctre Sang'gre

892 39 8
                                    



"Hagorn" seryosong sambit ni Amihan sa pangalan ni Hagorn.

"Amihan" nakangiting sambit ng hari ng hathoria na nasa harapan niya.

"Ngayon ang araw na sisingilin ko ang iyong buhay kapalit ng pagpatay mo sa aking ama! At pagnakaw mo sa kaharian naming mga diwata" sambit ni Amihan at hinanda ang kaniyang sarili.

Napangiti si Hagorn "At sa tingin mo ba ay papayag ako na magsayang ng lakas at kapangyarihan laban sa'yo?" Inilabas ni Hagorn ang brilyante ng diwa "Brilyante ng Diwa nais kong ilabas mo ang iyong kambal diwa upang makaharap ni Amihan"

Hindi nga siya binigo ng brilyate at nilabas nga nito ang kambal diwa.

"Pao Pao" di makalaniwalang sambit ni Amihan.

"Ngayon, Amihan labanan mo ang kambal diwa ng brilyanteng pinapangalagaan ng batang ligaw"

"Pao Pao pakiusap makinig ka. Hindi mo to pwedeng gawin"

"Poltre, ngunit hindi na ang batang ligaw ang aking panginoon kundi si Hagorn kaya siya ang susundin ko!" sambit ng kambal-diwa na brilyante ng diwa at nakipaglaban kay Amihan.

Dinepensahan lang ni Amihan ang kanyang sarili dahil hindi niya magagawang umopensa sa kambal-diwa dahil natatakot siya sa possibleng mangyari sa batang ligaw.

"Pashnea ka Hagorn! Lumaban ka mg patas!"

"Kailan ba ako lumalaban ng patas Amihan? Kaya ka bumagsak dahil hindi mo ginagamit ang iyong utak! Kagaya ka rin ng iyong ama na si Prinsipe Raquim"

"Pashnea!" sambit ni Amihan at itinulak si Paopao "Wala kang karapatan na banggitin ang pangalan ng aking ama!" sambit ni Amihan at nagpakawala ng kapangyarihan.

Ngunit hindi ito sapat para magapi ang kapangyarihan na taglay ni Hagorn. Tanging mga hathor lang na nasa kaniyang likuran ang kanyang napaslang.

Galit. Iyan ang makikita mo sa mga mata na nagliliyab ni Amihan.

Sumugod ulit ang kambal-diwa ngunit nasangga ito ni Amihan at binigyan niya ito ng matalim na tingin bago niya ito itulak.

"Sumuko ka na Pao Pao" sambit niya habang nakatuon sa leeg nito ang espada na hawak niya.

"Mahal na Reyna" napatingin siya sa pinanggalingan ng boses.

"Ybrahim"

"Mukhang nagiging mahina na yata ang kambal diwa" sambit nk Hagorn at ibinalik ang kambal-diwa.

"Agane"

"Masusunod Panginoon!"

"Atayde Hathoria!!!!" sigaw ni Agane at kaagad na pinalibutan sila Amihan.

Nagkatinginan sila "Wag na wag kang lalayo sa akin, mahal kong reyna" sambit ni Ybrahim bago niya hinawakan ang kamay ni Amihan "Sinisigurado ko lang na hindi ka mapapalayo sa akin sa laban na ito"

Kahit gulat ay kaagad na dumepensa at umopensa si Amihan sa mga hathor sa kanyang harapan habang si Ybrahim naman ang bahala sa kanyang likuran.

.

.

.

.

"Si Ate Lira? Nasaan siya?" tanong ni Alexus kila Mira at Muros pagkatapos labanan ang mga hathor na pumaligid sa kanila.

"Nakita kong hinila siya ni Kahlil papunta roon" sambit ni Mira at tinuro ang direksyon kung saan patungo sila Kahlil at Lira

"Sundan natin sila" sambit ni Alexus.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon