"Alexus" tawag ni Amihan ng makita niya si Alexus sa may hardin ng Sapiro.
Napalingon si Alexus para tignan kung sino ang tumawag sa kanya "Ina" nakangiting sabi nito at tumingin ulit sa harapan niya.
Nagtaka naman si Amihan kung anong pinapanuod nito dahil hindi ito lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito, anak?" tanong niya ng makalapit siya laking gulat niya na lang makita niya ang pinagmamasdan ng kanyang anak na si Alexus.
Nakita niya sila Kahlil at Ybarro na masayang nag-eensayo.
Napangiti siya ng mapait habang tinitignan si Alexus.
"Nais mo bang mag-ensayo?" tanong niya rito dahil mukhang gusto din nitong mag-ensayo.
Malungkot na ngumiti si Alexus "Wala dito si Ate Alexandra, ina, walang pumipilit sa akin magsanay"
"Nais mo ba na tayo na lang ang magsanay?"
Napalingon si Alexus sa gawi ng kanyang ina, ngumiti ito at umiling "Mahihintay ko pa naman si Ate Alexandra, ina eh" sambit nito at napatingin ulit sa kanyang harapan "Ang sarap siguro magkaroon ng ama, no, ina?"
Natigilan si Amihan kaya napalingon si Alexus "Patawad, ina, hindi ko sinasadya ang aking sinambit" sambit nito.
Malungkot na ngumiti si Amihan at hinaplos ang mukha nito "Bakit Alexus, nais mo bang makilala ang iyong ama?"
Bumuntong hininga na lang si Alexus, nais niya pero ayaw niya naman dagdagan ang alalahanin ng kanyang ina "Hindi ina, sapat na po kayo para sa akin" nakangiting sambit nito at yinakap si Amihan "E correi, ina"
"Napakalambing mo naman ngayon, Alexus" nakangiting sambit ni Amihan habang ginugulo ang buhok ni Alexus "E correi, din anak" sambit niya at hinagkan ito sa noo.
.
.
.
.
.
"Ama, maayos lamang ba kayo?" pag-aalalang tanong ni Kahlil kay Ybarro ng matamaan niya ito dahil hindi ito nakadepensa.
"Maayos lamang ako, anak" sambit nito at tumayo at tinignan ang gawi nila Amihan at Alexus at malungkot na ngumiti.
"Kailan ko kaya kayo makakasama?" tanong niya sa kanyang isipan at ngumiti ng mapait at tinignan si Kahlil.
.
.
.
.
.
"Ang saya siguro maging ama si Prinsipe Ybrahim" narinig ni Amihan ang sinambit ni Alexus ng papasok na sana siya sa silid ng pinagkukumpulan nila Alexus, Mira, at Anthony.
"Bakit mo naman nasambit yan Alexus?" tanong ni Mira habang si Anthony ay nakikinig lang.
"Linapitan niya kasi ako kanina para yayain magsanay at pagkatapos ang rami naming napagkwentuhan. Tapos dinala niya pa ako sa isang pinakaingat-ingatan niyang lugar" nakangiting kwento niya.
"Ang swerte nila Ate Lira at Kahlil dahil ang Prinsipe ang kanilang ama. Naramdaman ko kasi na gagawin nito ang lahat para lang maayos ang kalagayan nila"
Natigilan si Amihan sa narinig niya hindi niya inaakala na gagawa ng paraan si Ybarro na malapit sa anak nila.
"Tama ba ang ginagawa ko?" Tama bang ipagkait ko kay Alexus ang katotohanan na ama niya rin si Ybrahim? Tama bang ipagkait ko kay Ybrahim ang karapatan niya bilang ama kay Alexus?" yan ang mga nabuong katanungan ni Amihan sa kanyang isipan habang pinapakinggan niya ang pag-uusap nila Mira at Alexus.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.