Nalaman nila Danaya na may ikatatlong lagusan at yun ang lagusan na ginagamit ng mulawin.
Sa pamagitan ng fluta ng mga mulawin ay nakatawag si Danaya ng isang mulawin at yun ay si Lakan.
Tinulungan sila ni Lakan na makabalik sa mundo ng Encantadia.
Unting-unting minulat ni Danaya ang kanyang mga mata.
"Lakan?"
"Binabati kita, ikaw ay nakaligtas"
Napatingin si Danaya sa kapaligiran
"Ang ibig bang sabihin nito ay - -"
"Tama ka, narito na tayo sa Encantadia"
Walang malalagyan ang kasiyahan ni Danaya na marinig ito mismo kay Lakan na nakabalik na sila sa kanyang mundong sinilangan, ang Encantadia.
"Oo nga, nandito na tayo sa Encantadia. Salamat Lakan, maraming salamat at" napansin ni Danaya na parang may nawawala "Teka si Lira"
"Lakan, si Lira ang aking hadia?"
Tinignan ni Lakan ang kung saan si Lira at sinundan naman ni Danaya ang mga mata ni Lakan kung saan ito tumitingin kaya nang makita niya si Lira ay nilapitan niya ito.
.
.
.
.
.
"Hara Amihan" bati ni Ybarro pagkalabas ni Amihan sa kanyang kubol.
Tinignan ni Amihan ang tumawag sa kanya at laking gulat niya ng makita ang Prinsipe ng Sapiro sa kanyang harapan "Rehav Ybrahim" at ngumiti siya ng matipid.
Halata sa mukha ng Hara ang pagkailang at napansin naman ito ni Ybarro. Kaya ng lumakad si Amihan ay hinawakan ni Ybarro ang kamay nito.
Napalingon naman si Amihan sa Sapiryan na humawak sa kanyang kamay.
"May kailangan ka ba Ybrahim?" malaming na tanong ni Amihan na tila winakli nito ang kanyang pagkailang sa Prinsipe ng Sapiro.
"Agape Avi" sabi ng Prinsipe ang binitawan niya ang kamay ni Amihan at umiling.
.
.
.
.
.
Nakita ni Ybarro si Amihan sa may dalampasigan, na nakaupo at nakatingin sa kalangitan. Kanina niya pa ito gustong makausap pero hindi siya makahanap ng tamang oras na kausapin ito ng sila lang kaya ng makita niya itong umalis at nagtungo sa may dalampasigan ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinundan ito.
"Sana nasa mabuti kayong kalagayan Lira, Danaya" sabi ni Amihan habang pinagmamasdan ang kalangitan.
"Wag kang mag-alala Amihan, alam kong naririnig ka ni Emre"
Napalingon si Amihan sa enkantadong nagsalita, boses pa lamang ay alam niya kung sino ito pero nais niyang makasigurado.
"Sana nga Ybrahim" malungkot na ngumiti ang Reyna ng mga diwata.
Tumabi si Ybarro kung nasaan ang reyna ngunit nanatili siyang nakatayo ayaw niya nang dagdagan ang ilangan at iwasan nila ni Amihan kaya mas pinili niyang tumayo.
"Kaya ka ba nandito Mahal na Hara para mag-isip?"
Tumango si Amihan "Nais ko lang muna mapalayo sa kanila para hindi nila makakita ang kanilang reyna na mahina" nakangiting sambit ni Amihan at tinignan ang Rehav .
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.