"Bes, ano na kaya ang nagyayari sa loob?" umiiyak na tanong ni Lira sa kanyang pinsan na si Mira."Tahan na Lira, magiging maayos din si ina, kailan ba tayo binigo ng brilyante ng lupa?"
"Bes, nakalimutan muna bang binigo tayo ng brilyante ng lupa noong nanganganib ang buhay ni Alexandra?"
Tila natigilan saglit si Mira dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.
"Bibiguin nga ba kami ng brilyante ng lupa?" naiiyak na tanong ni Mira sa kanyang isipin. Hinila ni Mira si Lira.
"Bes saan tayo pupunta?"
"Basta sumunod ka na lang"
"Silid-sambahan?" naguguluhang tanong ni Lira.
"Hindi ba sa oras ng inyong pangangailangan sa mundo ng tao kay Diyos kayo lumalapit? Sa kanya kayo nagdadasal?"
Nagliwanag ang mukha ni Lira ng maunawaan ang sinabi ni Mira "In fairness bes, ang rami mong natutunan sa mundo ng tao"
"Manahimik ka na lang at manalangin tayo"
.
.
.
.
.
"Hayaan muna natin siyang magpahinga" sambit ni Danaya ng itikom ang kanyang kamay.
"Mabuti naman at dumating na kayo, ano ang iyong ulat Aquil? Nahuli niyo ba ang lapastangan na gumawa nito sa aking kapatid?"
"Poltre, ngunit hindi pa namin nahuli o nalaman man lang kung sinong walang hiyang nilalang na gumawa nito sa ating mahal na reyna" paguulat na Aquil.
"Kung ganun malaya pang gumagala ang nilalang ito"
"Ninunong Imaw maari ba naming malaman kung sino ang nagtangkang pumaslang sa aming kapatid na hara?"
"Masusunod. Aking balintataw iyong balikan ang nakaganapan ng muntik mapaslang si Amihan" utos ni Imaw sa kanyang balintataw at ipinakita kung sino ang nagtakang pumatay kay Amihan.
Naikuyom ni Danaya ang kanyanga mga kamay "Sinasabi ko nga ba, walang ibang gagawa ng kawalang hiyaan na ito maliban na lamang sa mga hathor"
"Ganun talaga Danaya, kapag ang buhay ng isang pinuno ay inalay niya para sa kanyang kaharian ay hinahantag niya rin ang kanyang buhay para sa panganib mula sa mga pwersang sakim sa kapangyarihan"
"Sang'gre Danaya, Sang'gre Pirena, bilang kayo ay mga sang'gre ay may karapatan kayo na mag-utos sa amin halimbawa hindi maari ang ating mahal na reyna kaya sabihin niyo lang kung lulusob tayo sa Hathoria at parusahan ang salarin"
"Tayo na! Hindi maaring hindi lumaban ang Lireo sa ginawa nilang kalapastanganan" sambit ni Pirena
"Walang lulusob!" sambit ni Danaya.
Nagkatinginan sila Danaya at Pirena.
"Bakit Danaya? Natatakot ka ba dahil hindi mo mapapamunuan ang ating mga kawal?"
"Kailanman ay wala akong kinatatakutan Pirena" matapang na sambit ni Danaya at nakipagtinginan pa kay Pirena "Hindi ko lang nais na may magbuwis pa ng buhay sa ating mga kawal at alam ko ito rin ang nais ni Amihan"
"At papaano mo nalaman ang iniisip ni Amihan? Bakit binulong ba sa'yo ng hangin? Sinabi ba sa'yo ng mga pashnea? Paano mo nalaman ang iniisip ng ating kapatid na nahihimlay Danaya?"
"Dahil hindi siya sakim na reyna katulad mo!"
"Ashti! Pirena! Ano ba tumigil na nga kayo! Para kayong mga batang nag-aaway!" naiinis na sabi ni Mira "Kung mag-aaway lamang kayo mabuti pa at umalis kayo!" sambit ni Mira at nilapitan si Lira at pinatahan ito.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.