Kabanata 15: Ang Sumpa Ni Ether Kay Lira

1K 37 6
                                    

"Ether!" galit na tawag ni Cassiopea. 

"Bakit nandito ka naman diwata?" tanong ni Ether na tila naggambala. 

"Alam kong kinuha mo si Lira! Batid ko ang iyong ginawa ang hindi ko lang alam ay hindi ko makita sa aking mata kung nasaan mo siya tinago! Nasaan siya? Saan mo itinago mo Lira?" 

"Sa tingin mo ba ay sasabihin ko sa'yo yan Cassiopea? Hindi! Hinding-hindi ko sasabihin sa'yo kung nasaan si Lira" 

"Kung ganun, lalabanan kita hanggang sa matalo ka" sambit ni Cassiopea at hinanda ang kanyang sarili. 

Nag-iba naman ang hitsura ni Ether sa pagiging ahas ay naging isang encantada siya. 

Isang napakatinding laban ang naganap kila Cassiopea at Ether hanggang sa napaupo si Cassiopea ng matamaan siya ng tadyak ni Ether

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang napakatinding laban ang naganap kila Cassiopea at Ether hanggang sa napaupo si Cassiopea ng matamaan siya ng tadyak ni Ether. 

"Lubhang nakakaabala sagabal diwata, panahon na upang tanggalan kita ng kakayahan na makita ng sagayon ay hindi ka na makatulong sa mga mahal mong diwata" sambit ni Ether at sumugod ulit si Cassiopea na nailigan naman ni Ether at napangiti siya ng napalapit si Cassiopea sa kanya at katulad ng sinabi niya kanina ay tinggalan niya ito ng kakahayan makita ang hinaharap. 

"Ngayon Cassiopea makakalimutan mo ang ating pag-tutuos na ito. Mawawala sa isip mo ang ating pagkikita dito" sambit ni Ether "Bumalik ka na sa iyong lungga na parang hindi mo na kami nakita" 

At gaya nga ng sinambit ni Ether ay sinunod ito ni Cassiopea.

.

.

.

.

.

"Amihan anong nangyari dito?" sabay na tanong ni Ybarro at Danaya pagkapasok nila sa kubol ni Amihan nakita nilang umiiyak ito. 

"Si Lira, Amihan? Nasaan ang ating anak?" tanong ni Ybarro ng mapansin niyang wala si Lira sa paligid. 

"Hindi ko alam Ybrahim, sadyang napakabilis ng pangyayari" umiiyak na sambit ni Amihan at tsaka pinahid ang kanyang luha "Pagkarinig kong humihingi ng tulong si Lira nagising ako at nakita ko na lang siya na hawak-hawak ng mga enkantadong nakasuot ng pangkawal" 

Naikuyom na lang ni Ybarro ang kanyang palad "Kailangan natin mahanap si Lira" sambit nito at tinignan si Amihan "Kailangan natin mahanap ang ating anak" 

Tumangong tinitignan ni Amihan si Ybarro. 

"Danaya, nais kong manatili ka muna dito para kahit papaano ay may pinuno silang masasandalan" pag-uutos ni Amihan sa kanyang nakakabatang kapatid. 

"Kung yan ang gusto mo Hara. Sana ay mahanap niyo si Lira sa lalong madaling panahon" sambit ni Danaya. 

"Sana nga Danaya" sabi ni Amihan na parang pinaghihinaan na ng loob. 

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon