"Ate Alexandra, bakit hindi mo tanggapin ang inaalok na pag-eensayo ni Ashti Danaya? Tutal gusto mo naman may kasparring diba?" nakangiting sambit ni Alexus sa wakas nakatakas na rin kasi siya sa pagiging sparring partner ng kanyang Ate Alexandra kahit isang araw lang at tinignan niya ang kanyang Ashti Danaya "Avisala Eshma, Ashti"
Kumunot ang noo ni Danaya "Bakit Alexus ano bang ginawa ko para magpasalamat ka?"
"Ha? Ah.. ehh.."
Malakas na humalakhak sila Mira, Anthony habang si Alexandra naman ay napangiti dahil sa inaasta ni Alexus.
"Sang'gre Danaya, hindi naman ibig sabihin nun na hindi na mageensayo si Alexus, di ba?" panunukso ni Alexandra sa kanyang pinsan.
"Oo namn, pwedeng-pwedw pa rin kayong magsanay" sambit ni Danaya.
Nanalaki ang mata ni Alexus dahil sa narinig niya.
"See, Alexus? Magsasanay pa rin tayo" panunukso ni Alexandra sa kanyang pinsan.
Sumimangot naman si Alexus "Ashti naman, nakalusot na eh" pagamamaktol ni Alexus, halata kasi mukha nito ang pagkainis at tinignan niya si Alexandra "Ate Alexandra, wala namang ganyanan may proxy na ko oh. Tapos magsasanag pa tayo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Alexus "Hindi ba tama nang mageensayo kayo ni Ashti Danaya? Papawisan ka na nun promise"
Natawa naman si Alexandra "Ang tamad mo talaga kahit kailan" prankang sagot nito habang umiling-iling.
"Hindi ako tamad ate, sadyang mas masipag lang talaga ako magpahinga"
Napangiti na lang habang umiiling sila Amihan, Danaya at Alena sa mga tinuturan ng mga munting sang'gre.
"Alex?" Napatingin naman si Alexandra sa gawi ni Anthony at nilapitan niya ito.
"Bakit?"
"Why don't you try to use this moment so that you can bond with your mom?" sambit ni Anthony at tinignan nito si Danaya na mukhang hindi maunawaan ang pag-uusap nila. Mas pinili niya talaga mag-english para hindi nito maunawaan ang sinasabi niya.
"May masama ka bang sinasabi sa akin tagalupa? Bakit parang ang sama ng tingin mo sa akin?"
Nagmadaling umiiling si Anthony "Wala po ma'am" sambit nito.
"Your mom is scary" bulong ni Anthony kay Alexandra na siya naman ikangiti ni Alexandra habang nakatitig siya kay Danaya.
Kanina pa niya kasi ito tinititigan eh. Kung pwede lang nga bion hapon ay titigan niya lang ito hanggang paulit-ulit niyang imemorize ang mukha nito ay okay lang
"Mom? Kuya Anthony you call Ashti Danaya as Ate Alexandra's mom?" nakakunot noong tanong ni Alexus at tinignan ang direksyon na tinitignan ni Anthony and there he saw her Ashti Danaya who was looking at them "Wag niyong sabihin sa akin? Nasa ating apat ako lang walang alam na si Ashti Danaya ang iyong ina Ate Alexandra?!" bulaslas na tanong ni Alexus.
Napabaling naman ang lahat ng atensyon kay Alexus. Habang nawala ang mga ngiti sa labi ni Alexandra at napalitan ito ng kaba habang tinitignan niya si Danaya.
Gulat na napatingin si Danaya sa gawi nila Alexandra dahil sa sinambit ni Alexus at binalik ang tingin nito kay Alexus "Anong pinagsasabi mong ako ang ina ni Alexandra, Alexus?" naguguluhang tanong nito at tinignan si Alexandra na nakakunot noo habang hinihintay ito magpaliwanag.
Napafacepalm na lang si Alexandra. She doesn't want to add more confusions in today's event kaya mas pinili niyang wag muna magpakilala sa kanyang tunay na ina, but sad to say her plan failed because of her damn cutie cousin who can't shut his mouth up. Pati si Mira, Anthony at Amihan ay natigilan.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.