Kabanata 32 - Bulaklak

1.1K 43 17
                                    



(Araw ng Pasko sa Lireo)


Kakapasok lang ni Gurna sa silid ni Pirena ng makita niya itong tinatakpan ang kanyang sugat.

"Pirena anong nangyari diyan?" takang-tanong niya ng makita ang kanyang alaga na tinatakpan ang kanyang sugatang kamay.

"Ssheda Gurna at baka marinig ka ng aking ama" sambit ni Pirena at kaagad naman yumuko si Gurna at humingi ng tawad. Lumapit naman kaagad si Gurna rito para tulungan itong gamutin ang kanyang sugat.

"Avisala eshma, Gurna" pagpapasalamat ni Pirena kay Gurna matapos nitong gamutin ang kanyang sugat "Sya nga pala natiyak mo ba na nakabalik ng maayos si Mira sa Sapiro?"

"Wag kang mag-aalala sa iyong anak Pirena dahil alam mong hindi siya papabayaan ng iyong mga kapatid ang alalahanin mo ang iyong ama na ngayon ay wala rito"

"At saan nanaman siya nagtungo?"

"Yun ang hindi niya nasabi sa akin"

"Pashnea! Hindi kaya nagtataka na siya kung saan ko nakuha ang sugat na ito?"

"Wag mong sabihin ay nakita iyan ng iyong ama?"

"Hindi ko alam Gurna, dahil naitago ko man ng mabilis ang aking kamay noong nagharap kami ay panigurado na narinig niya ako nang mapadaing ako sa sakit ng mahawakan niya ang aking kamay"

"Pirena bakit hindi ka nag-iingat?" napataas ang boses ni Gurna "Alam kong napakatalim ng isipan ng iyong ama at kung alam na niya ang sugat na nasa iyong kamay at maghinala siya panigurado ay magiging kalaban ka niya"

"Alam ko Gurna! Sa tingin mo ba hindi ko na naisip iyan noong pinagtaksilan ko ang aking ama?"

"At may solusyon ka na bang naiisip para mapantayan ang lakas ng iyong ama?"

"Meron na. At yun ay sa pamamagitan ng aking mga kapatid. Alam kong tatanggapin nila ang aking alok lalo na ngayon ay iisa na lamang ang aming kalaban"

"Nakakasigurado ka ata na tutulungan ka ng iyong mga kapatid"

Isang nakakamatay na titig ang ibinigay ni Pirena kay Gurna "Dahil alam kong mas ayaw nila kung si Hagorn ang mamumuno ng Lireo" sambit nito at tsaka ngu miti.

"Hi ashti" sambit ng kakalitaw lang nila Alexandra at Lira.

"Anong ginagawa niyo dito?" sigaw ni Gurna.

"Totoo nga siguro ang balita at nakabalik na kayo sa Sapiro" sambit ni Pirena at tinignan ang dalawang diwani. At tsaka siya umupo sa kanyang higaan "Ano nanaman ang ginagawa ninyo dito?" bagot na sambit ni Pirena.

"Wala ashti makikicharge lang" sambit ni Alexandra habang tinitignan ang kanyang dalang cellphone.

"Akala ko ba full bat ka? Bakit ka makikicharge?" sunod-sunod na tanong ni Lira "Hindi ba nagpunta tayo rito para sabihin kay ashti na may celebration na gagagnapin mamaya"

"Ay oo nga pala, yun nga pala ang sadya natin in the first place" sambit ni Alexandra at tsaka tinignan si Pirena "Ashti kung wala kang gagawin mamaya at bored ka at baka nais mo lang naman na pumunta sa Sapiro dahil may kasiyahan na magaganap mamaya para maipagdiwang ang Pasko. Kung gusto mo lang naman pwede mo rin isama yang side kick mo"

"May piging na magaganap mamaya?"

"Piging? Sadyang napakalalim naman noon ashti" sambit ni Lira at tsaka tinignan si Alexandra "Bes, minsan nakakanosebleed yung mga sinasabi nila ang lalim eh"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon