"Lira, anak?"
Napalingon si Lira at laking gulat niya ng makita niya ang encantadang matagal niya ng hinahanap. Ang encantada na dahilan kung bakit siya bumalik sa mundo kung saan siya galing.
"Inay" masayang sabi niya at niyakap ito nang makabalik na siya sa kanyang ulirat.
Yinakap siya ni Pirena na nag-aanyong Amihan.
Si Lira ang unang kumalas sa pagkakayakap niya kay Amihan "Hindi ko inaakala na ganito po kayo kaganda" sambit ni Lira habang pinagmamasdan niya ang encantada sa kanyang harapan "Kaya pala ang gaan ng loob ko noong una tayong magkita, ina" umiling si Lira "Nanay?" umiiling na sambit ni Lira "Ano nga po ang pwede kong itawag sa inyo? Sa pagkakaalam ko po kasi ay iba ang lengwahe na gamit niyo dito"
Hinaplos-haplos ni 'Amihan' ang pagmumukha ni Lira at tsaka ngumiti "Ikaw bahala, anak"
"Inay! Inay ang gusto kong itawag sa inyo"
"Kung iyan ang iyong gusto, Lira" sambit ni 'Amihan' habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Lira.
"Grabe parang sasabog ang dibdib ko sa saya" sambit ni Lira at halata sa kanyang boses ang excitement "Talaga bang totoo na ito inay? Wala na itong biro"
Umiling-iling si 'Amihan' "Totoong-totoo na talaga to Lira" sambit nito at tsaka hinaplos ang pagmumukha ni Lira at yinakap ito.
"Ang saya-saya ko" sambit ni Lira sa gitna ng yakapan nila Amihan.
"Sige lang Lira, maging masaya ka bago kita paslangin" sabi ni Pirena sa kanyang isipan.
"Ako rin anak" sambit ni 'Amihan'. Biglang nagbukas ang pintoan ng silid ni Lira kaya napakalas sila sa kanilang pagyayakapan at nakita nila ang mga dama na may dalang pagkain.
Ngumiti si Lira "Para sa akin ba ito, nay?"
Tumango si 'Amihan' "Para sa'yo ang lahat ng iyan anak, sige na at kumain ka"
"Salamat po" sambit ni Lira sa mga dama.
Tumango lang ang mga ito at yumukod bago ito lumabas ng silid na kinaroroonan ni Lira.
"Grabeh pala dito daig pa fiesta" puna ni Lira ng makita niya ang pagkain sa harapan niya "Nay halika dito at saluhan mo ako" sambit ni Lira kay 'Amihan'.
"Sige na anak kumain ka na busog na ako" sambit ni Pirena at bakanteng upuan sa may lamesa.
"Nay, nagtataka lang po ako bakit nandito si ashti Pirena hindi ba bad siya?" Napansin ni Lira ang pagkunot ng noo ng encantada sa kanyang harapan "Ang ibig kong sabihin ay bad? Iyan kasi ang sinabi sa akin ni ashti Danaya"
"Lira, makinig ka sa akin, anak" sambit ni 'Amihan' at hinawakan ang isa sa kamay ni Lira "Hindi tayo magtatagpo kung hindi dahil sa iyong Ashti Pirena kaya kung ano ang narinig mo sa aking kapatid na si Danaya ay puro kasinungalingan. Dahil walang hinagad si Danaya kundi sirain kami ni Pirena"
"Ngunit wala siyang sinabing masama tungkol sa iyo. Ang sinabi lang niya ay napakaubod ng sama ni Ashti Pirena na siya ang naging dahilan sa pagbagsak ng Lireo"
"Ssheda Lira! Ito ang tatandaan mo kakampi natin si Pirena"
"Sang'gre Amihan" nagmadaling sabi ni Gurna ng makapasok siya.
"Bakit Gurna?" tanong nito at nakita pero halata sa mukha nito ang pagkainis.
Pumunta si Gurna kay 'Amihan' at may binulong ito.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.