Kabanata 8: Si Kahlil

1.3K 37 4
                                    

"Wala ka pa ring pinagbago, Mahal ko"

Napalingon si Alena sa nagsalita "Ano ang ginagawa mo dito Pirena?!" may galit na tanong nito.

"Natutuwa ako na nandito ka na ulit sa Encantadia" medyo lumapit na sabi ni Pirena.

"Pashnea ka Pirena!" sabi niya sabay lakad at kinuha ang armas na nasa lamesa.

Kaagada na linabas ni Pirena ang brilyante ng tubig para pigilan si Alena. Nabitawan ni Alena ang hawak-hawak niyang sandata.

"Patawarin mo ko, kapatid ko. Hindi ko nais gawin yun"

"Brilyante ko pa ang gamit mo" di makapaniwalang saad ni Alena.

"Paano nangyari ito? Paano nagbalik ang iyong ala-ala?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman Pirena! Ang mahalaga batid kong ang tunay na napakasama mo talaga"

"Alena, hindi ko nais na tanggalin ka ng brilyante at aalala ngunit kailangan kung gawin yun"

"Para saan Pirena? Para madaig mo si Amihan?" medyo napataas ang tono pagkasabi nito ni Aleba "Para maagaw mo ang buong Lireo ng wala ako sa tabi niya?"

"Dahil ayaw kong masaktan ka kapag nalaman mo na ang ama ni Lira ay ang mandirigmang iniibig mo. Nagkaroon si Amihan at Ybarro ng pagkaunawaan at ito ay inilihim nila sa'yo"

"Ang lakas pa talaga mg loob mo na magsinunggalimg sa akin Pirena"

"Nagsasabi ako ng totoo"

"Tama na Pirena!" galit na sabi ni Alena.

"Hindi ako ang totoong nanloko at nanlinlang sa'yo kundi si Amihan at Ybarro. At ngayon, tila nabibilog nanaman ng mandirigmang iyong ang ulo mo pagkat batid ko na magkasama kayo kanina. Gayung hanggang sa ngayon ay may unawaan sila ni Amihan"

"Hindi totoo yan. Walang alam si Ybarro. Hindi niya alam kung nasaan si Amihan!"

"Magkasama sila Alena"

"Ano man ang mangyari ay wag kang maniniwala kay Pirena, magtatangka siyang muli na lasunin ang iyong isipan. Kaya't ano man ang matuklasan mo ay wag na wag kang magpapaloko sa kanya" naalalang ni Alena ang sinabi ni Casseiopia kanina.

"Hindi ko lang alam kung nasaan ang kanilang bagong kuta sapagkat alam kong hanggang ngayon ay alam kong may pagkaunawaan sila"

"Kaya ngayon sabihin mo sa akin, sino nga ba ang nanloloko? Ako ba o ang dalawang taksil na hindi sinasabi sa'yo ang namamagitan sa kanila?!"

Pumikit si Alena habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na hindi maniwala sa sinasabi ni Pirena.

"Ssheda!" galit na turan ni Alena as she choked Pirena "Kailan man ay hinding-hindi mo na ako maloloko Pirena"

"At wag na wag mong sisiraan si Ybarro at Amihan. Dahil ano man ang sabihin mo mas higit ko silang pinagkakatiwalaan kesa sa'yo"

Hinawakan ni Pirena ang kamay ni Alena at tinignan niya ito habang nakangiti "Masakit tanggapin ang katotoohanan, Mahal ko kaya nauunawan ko na ayaw mo itong paniwalaan. Ngunit buksan mo ng maigi ang iyong mga mata ng sa ganun ay malaman mo kung sino ang totoo sa'yo" sabi nito habang hinaplos ang kamay ni Alena "Maligayang pagbabalik sa Encantadia, aking ide-a" nakangiting sambit ni Pirena "Puntahan mo na lang ako sa Lireo kapag nagising ka na sa katotohanan na ako ang kakampi mo at hindi sila Amihan" sabi ni Pirena at tsaka naglaho.

.

.

.

.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon