"Alexus" nakangiting tawag ni Ybrahim ng makita niya ang kanyang anak na kakasulpot lang ng punong bulwagan."Prinsipe Ybrahim" nakangiting tawag ni Alexus at nilapitan siya ni Ybrahim at yinakap at nakipagkamay siya rito.
"Ako'y lubos na natutuwa at naparito ka" sambit ni Ybrahim habang ang kamay nito ay nasa balikat ni Alexus "Kumain ka na ba?"
"Opo. Bago hinatid ni nanay sila Paopao at Anthony ay may naganap na salu-salo" sambit ni Alexus at tinignan si Ybrahim "May gagawin ka po ba? Pwede ba ulit tayo magsanay?"
"Maari naman Alexus" sambit ni Ybrahim "Hintayin mo ko dito, magpapalit lang ako saglit"
Nakangiting tumango si Alexus at tsaka umalis si Ybrahim upang magpalit.
Nakangiting tinitignan ni Alexus ang kabuuhan ng Sapiro.
"Rehav"
Napalingon si Alexus at napangiti ng makita ang pamilyar na mukha "Wantuk"
"Mabuti naman at napasyal ka dito" nakangiting sambit ni Wantuk "Kahapon pa nalulumbay ang Prinsipe dahil ang tahimik na daw ng Sapiro simula ng umalis kayo dito, kaya siguro ang laki ng ngiti niya kanina"
"Alexus, tayo na?" tanong ng kakarating lang na si Ybrahim.
"Agape Avi, Wantuk" sambit ni Alexus para iexcuse ang sarili niya at sinundan niya si Ybrahim papunta labas kung saan sila magsasanay.
~ ~ ~ ~ ~
"Mabuti at napasyal ka dito sa Sapiro, mahal na prinsipe" nakangiting sambit ni Wantuk "Dahil kahapon pa nalulumbay ang Prinsipe Ybrahim dahil napakatahimik na daw ng Sapiro simula ng bumalik kayong lahat sa Lireo. Kaya siguro ang laki ng ngiti niya kanina noong makita ka niya"
"Sigruo nga"
"Alexus, tara na?" tanong ni Prinsipe Ybrahim na kakarating lang.
Tumango si Alexus at tinignan si Wantuk "Mauuna muna kami, Wantuk, agape avi" sambit niya para iexcuse ang sarili niya at sinundan si Ybrahim papunta sa labas ng Sapiro kung saan sila magsasanay.
~ ~ ~ ~ ~
"Sige na Muros bumalik na kayo ng Lireo"
"Subalit Hara --"
Hinarap ni Amihan ang kanyang mga sundalong kasama niya at sinabing "Kaya ko naman pangalagaan ang aking sarili Muros, kaya sige na bumalik na kayo ng Lireo kung saan mas kinakailangan kayo ng iyong hukbo"
"Masusunod, Mahal na Hara" sambit ni Muros at tsaka nagbow bago niya inutusan ang kanyang hukbo na umalis para bumalik ng Lireo.
"Ate Amihan, saan tayo pupunta?"
Nakangiting yumuko si Amihan upang mapantayan niya si Paopao at sinabing "Malalaman mo rin pagkarating natin dun" sambit niya at kinurot ang ilong nito bago siya tumayo at inayos ang kanyang postura at tinignan si Anthony "Tayo na, Anthony"
Tumango si Anthony bilang sagot at tsaka sila pumasok sa lugar na nagsisilbing daan patungo sa mundo ng mga tao. Mundo kong saan nararapat ang dalawang mortal na kasama niya.
Napalingon-lingon si Paopao nang mapansin niya na parang pamilyar ang lugar na pintuhan nila "Wow natatandaan ko ang lugar na ito ah"
Napangiti si Amihan "Oo Paopao sapagkat dito ka nangaling. Nasa mundo na tayo ng mga tao"
"Totoo po?" sambit ni Paopao at halata ang excitement sa mga mata ng batang ligaw.
"Oo Paopao" sambit ni Amihan at umupo para magatama ang batang ligaw "Sapagkat panahon na para bumalik ka sa pamilya mo" nakangiting sambit ni Amihan at tsaka tinignan niya ang paligid "Naaalala mo pa ba kung saan kayo nakatira noon?"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.