Kabanata 45 - Nangungulilang Puso

1K 33 11
                                    




"Ina, tayo na?" tanong ni Mira ng makita niyang handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis.

Bago sumangayon si Amihan ay napatingin muna siya sa buong apat na sulok ng punong bulwagan ng Sapiro kung saan sila nagtipon-tipon para sa kanilang pagbabalik sa Lireo ng mapansin niyang may kulang "Si Lira? Nasaan ang iyong kapatid Alexus?"

"Hindi ko alam ina" sambit ni Alexus at tinignan si Mira "Hindi ba kayo ang magkasama ni Ate Lira, Ate?"

"Sa silid naming kanina, oo, pero nauna siya kaya akala ko ay naririto na siya kasama niyo"

Napabuntong-hininga na lang si Amihan mukhang maantala saglit ang kanilang paglalakbay patungong Lireo dahil sa suwail niyang anak "Lira, saan ka nanaman ba nagpunta?"

Bago pa makautos si Amihan na hanapin ang kanyang panganay na nagsialisan na ang mga diwata at kawal para hanapin ang diwani.

"Mira, Alexus, Anthony manatili na lamang kayo dito para sa ganun kapag nandito na si Lira ay hindi na niya kailangan umalis pa"

"Masusunod, Ina"

Tumango si Amihan at tsaka naglaho.

.

.

.

.

"Diwani Lira, nandito ka lang pala"

Napatingin si Lira sa gawi ng nagsalita "Napakaformal mo ata ngayon, Andrew"

Ngumiti lang ng matipid si Andrew dahil sa sinabi ni Lira sa kanya "Dahil iyon ang nararapat diwani Lira"

"Nakssss! Pinayagan ka lang ni Ashti Danaya na maging bahagi ng mga kawal may difference na kaagad tayo sa status"

"Bakit ka nga ba naririto? Hindi ba ang sabi ni ina na pumunta ang lahat sa punong bulwagan?"

"Ganun na nga, mahal na diwani"

"Pwedeng bang tanggalin mo na ang diwani, Andrew? Nakakaasiwa kaya. Lira na lang"

"Kung iyan ang iyong nais diwan –" umiling si Andrew "Lira. Nagkakagulo ang halos ng encantado sa palasyo dahil hinahanap ka na ng mahal na reyna"

"Kung ganun ako lang pala ang hinihintay?"

Tumango naman si Andrew.

"Patay! Bakit di mo sinabi agad? Tayo na at baka makatikim ako ng palo galing kay ina" sambit ni Lira at hinila si Andrew papailis sa silid na tinutuluyan nila Danaya noon.

"Matanong nga kita, Lira, anong ginagawa mo sa silid nila Sang'gre Danaya?"

"Ahh may hinanap kasi ako"

.

.

.

.

.

"Anong balita, Mira? Nandito na ba si Lira?"

"Hindi pa po siya dumadating ina"

Napaface palm na lang si Amihan at maglalaho na sana ang isang pamilyar na boses.

"Inay!" humanhangos na sabi ni Lira.

"Lira" pagtawag ni Amihan sa pangalan sa kanyang anak at kaagad nilapitan ito at yinakap "Saan ka ba nagsusuot ha? Pinag-alala mo kami"

"Sorry po, nay, may hinanap lang po ako"

"At ano iyon?"

"Ito" sambit ni Lira at ipinakita ang bote na nahanap niya sa silid nila Danaya "Sabi kasi ni Alexandra iniligay niya sa silid namin, hindi pala sa kwarto pala ni Ashti niya inilagay" nakasimangot na sambit ni Lira "Pinageffort pa ko ng loka" pabulong na sambit ni Lira.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon