Kanina pa nag-uusap sila Lira at Amihan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari na nangyari kay Lira sa mundo ng mga tao.
Nasa dating kuta sila ng mandirigma kung saan naging kuta rin nila Amihan noon.
"Nagpapasalamat ako sa nagpalaki sa'yo anak, kahit na hindi ka niya tunay na anak ay napalaki ka niya ng maayos at isang batang maya kabutihan ang puso" sambit ni Amihan at ngumiti naman ng malungkot si Lira.
"May nasabi ba akong mali?"
"Wala na po yung mha taong nagpalaki sa akin, dahil namatay sila sa kakaligtas sa akin"
Ramdam ni Amihan ang lungkot sa boses ni Lira "Talagang mahal ka nila dahil ganyan ang isang magulang Lira, mas pipiliin nila na sila ang mapahamak kesa kanilang anak"
Ngumiti si Amihan at ngumiti din si Lira.
"Siguro ay dapat na tayong matulog lumalalim na ang gabi"
"Siguro nga po" nakangiting sambit ni Lira at matabi silang natulog habang yakap-yakap ang isa't-isa.
Nagising si Amihan sa kanyang pagkahimbing at hindi na siya makabalik sa kanyang pagkatulog kaya mas pinili na lang niyang pinagmasdan ang kanyang anak na si Lira. Hinaplos niya ang mukha nito "E correi diu, anak" sambit ni Amihan at tsaka hinalikan ang noo nito.
Tumayo at lumabas sa kubol na kanilang tinutulugan "Kamusta na kaya si Alexus?" malungkot na ngumiti ang reyna habang inaalala ang kanyang bunsong anak at pinagmasdan si Lira na nahihimbing ang pagtulog.
(Kinabukasan)
"Good Morning nay" nakangiting sambit ni Lira ng makita ang kanyang ina na nakatitig sa kanya.
"Magandang umaga anak" nakangiting sambit ni Amihan.
Bumangon si Lira kaya napaupo na lang din si Amihan sa kanilang tulugan.
Humikab pa si Lira "Maayos ba ang iyong tulog, Lira?" tanong ni Amihan sa kanyang anak.
"Oo naman po lalo na ngayon at katabi ko pa kayo" nakangiting sambit ni Lira at yinakap ang kanyang ina "Ang saya ko po kagabi"
"Ganun din ang aking nararamdaman Lira" nakangiting sabi ni Amihan "Nga pala noong ikaw ay nahihimbing namadali akong humanap ng pagkain kaya halika kumain na muna tayo"
Nakangiting tumango si Lira.
"Nay, pwede ba akong magtanong?"
"Oo naman anak, ano ba ang iyong katanungan?"
"May tatay ba ako?"
Nabulunan si Amihan sa kanyang kinain dahil nagulat siya tanong ni Lira.
"Nay maayos lang ba kayo?" tanong ni Lira sa kanyang ina at nagmadali itong inabutan ng tubig.
Tumango lang si Amihan habang umiinom ng tubig.
"Pasensya na po ha? Nakakagulat po ba ang tanong ko? Akala ko po kasi katulad sa mundo ng mga tao na may nanay at tatay para makabuo ng isang bata"
Ngumiti si Amihan at hinawakan niya ang kamay ni Lira "Hindi lang naman mali ang iyong tinuran. Hindi nagkakalayo ang mga enkantado at enkantada sa mga tao"
"So ibig sabihin nun ay may tatay ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lira halata sa boses niya ang excitement.
Tumango si Amihan.
"Ngunit nasaan siya inay? Bakit hindi niyo siya kasama ng hinanap niyo ako?" tanong ni Lira sa kanyang ina at medyo nag-iba ang tono nito at halata sa mga mata nito ang kalungkutan "Hinanap ba niya ako?"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.