Nanlaki ang mga mata ni Pirena ng makita ang sugat sa palad ng kanyang bunsong kapatid."K..Kailangan natin siya mahanap, Amihan" pagsusumamo ni Danaya halata sa kanyang boses ang pag-aalala "Alam kong may kinalaman ang sugat sa aking kamay sa nangyayari kay Alexandra" sambit nito kaya napatingin si Pirena sa kanyang palad, nakahinga siya ng maluwag ng makita niya na walang sugat ang kanyang kamay, ibig sabihin ay kung nasaan man si Mira ay ligtas ito.
"Ngunit Danaya namumutla ka kaya kami na lang ni Amihan ang pupunta ng emporium upang hanapin ang dalawa" puna ni Alena ng makita niya ang pamumutla ni Danaya at nang hinawakan niya ito ay ubod ito ng lamig.
"Mas lalo akong hindi mapapakali Alena kapag hindi ko nakita kaagad ang aking anak, kaya pakiusap wag niyo kong bawalan na sumama sa inyong paghahanap" sambit ni Danaya at pilit na tumayo. Hindi niya alam ngunit parang nanghihina ang kaniyang katawan para bang hinihigop ang lakas sa kanyang katawan sa di niya malamang dahilan.
"Hayaan mo na Alena kung iyan ang gusto ni Danaya" sambit ni Amihan at tinignan si Danaya "Mas mabuti nang sama-sama tayong maghanap sa kanila kesa umalis ng mag-isa" sambit ni Amihan at tinignan si Pirena "Sasama ka ba sa paghahanap kila Mira?"
"Hindi. Kilala ko ang aking ama at kung nadakip nga sila ay nasisigurado kong ang unang pupuntahan nito ay Lireo" sambit ni Pirena at tinignan ang kanyang mga kapatid "Babalitaan ko kayo kung nandun nga ang dalawang diwani" sambit ni Pirena at kaagad naman tumango ang tatlo niyang kapatid.
"Wag kang mag-aalala babalitan ka din namin kapag nahanap na namin sila" tumango si Pirena at tsaka naglaho.
Nagkatingnan sila Amihan, Danaya at Alena. Tumango sila. Para bang naiintindihan nila ang pinapahiwatig ng kanilang mga mata.
"Inay, sasama po ako" sambit ni Lira bago pa makapaglaho ang kaniyang ina at ang kanyang mga ashti.
Gulat na napatingin ang tatlo sa gawi ni Lira.
"Hindi maari Lira" kaagad na sambit ni Danaya siya kasi ang unang nakabawi sa pagkagulat sa narinig niyang sinabi ni Lira sa kanila.
"Pero ashti kasama ko silang - -"
"Ssheda Lira! Hindi mo ba naiintindihan ang nangyayari ngayon? Sa bawat minuto na nasasayang sa ating pag-uusap, nasa labas ang iyong mga pinsan at hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa kanila" sambit ni Alena.
"Tama ang iyong mga ashti anak" sambit ni Amihan at lumapit siya kay Lira, hinawakan nito ang kaniyang kamay at sinabing "Lira, naiintindihan mo naman kung bakit ayaw namin na sumama ka diba?"
"Opo" nakayukong sambit ni Lira "Pasensya na po, nais ko lamang makatulong ngunit siguro ay tama kayo mas masasayang ang oras sa pagkahanap nila kung sasama ako" sambit ni Lira at kinuha ang kaniyang kamay sa kaniyang ina at tumalikod.
"Anak hindi ganun ang ibig namin sabihin, ayaw ka lang naming mapahamak"
Humarap si Lira at ngumiti "Naiintindihan ko po ang bawat salitang sinabi niyo, hindi po ba mas malalagay sila Mira sa panganib kung hindi niyo sila makikita kaagad? Sige na po inay, ashti umalis na kayo. Promise ko po hindi ako aalis ng Sapiro"
"Aasahan namin iyan Lira" sambit ni Danaya at tinignan sila Amihan at Danaya "Tayo na"
Nakangiting tumango si Alena at tsaka sinundan si Danaya na naglaho.
Nginitian muna ni Amihan ang kaniyang anak na si Lira bago niya hinalikan ang noo nito at tsaka ginamit niya ang kanyang evictus para masundan ang kaniyang mga kapatid.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.