Journey Begins

2K 56 3
                                    

Ami's POV:

"Talaga?" Gulat na saad ni Mama nang sabihin sa kanya ni Papa ang pag audition ko sa BH Entertainment.

"Gusto ko lang pong ipagpatuloy yung pangarap ko. Isa pa, malaki na ako. Kaya ko na." Saad ko sa kanila habang naghahapunan kami.

"Mukhang hindi ka na mapipigilan ngayon." Ani Papa sa akin.

Oo. Wala na talagang makakapigil sa akin.

"Papa, pwedeng humingi ng favor?" Napatingin siya sa akin na animo'y hinihintay ang hinihingi kong pabor.

"Pwede po bang walang special treatment? Gusto ko po kasing maging fair sa mga kasabay kong trainee." Ayokong isipin nila na kaya ako naging trainee ay dahil sa Papa ko. Gusto kong dumaan sa tamang proseso gaya ng iba.

"Sigurado ka?" Tumango ako.

Siguradong-sigurado na ako.

Wala ng atrasan ito.

"Kyaah! Magkakaroon na kami ng kaibigan na Idol!" Hindi mapigilan ni Nam Suk ang saya niya para sa akin at pinagsigawan pa talaga.

"Ano ka ba! Huwag ka ngang maingay! Hindi pa nga. Ang OA nito." Pigil ko dito at pinaupo sya sa kanyang upuan.

"Daebak! Ikaw na talaga!" Ani Ji Kyo sa akin.

"Congrats Bes. Huwag kang makakalimot kapag sikat ka na.ha?" Ani Jang Ah.

May ilang araw pa ako para maglibang bago magsimula ang training kaya naman niyaya ko munang magbonding kami ng mga kaibigan ko. Alam kong magiging busy na kami sa aming mga career na tinatahak kaya naman lulubusin na namin.

Nagmall kami. Kumain, nanood sa sinehan at nagshopping.

"Hindi naman Holiday pero ang daming tao ngayon. Anong meron?" Napansin ko nga din ang pagkapal ng tao sa mall lalo na sa groundfloor ng gusali.

"Hindi niyo ba nakita yung poster sa labas? May Mall show ang Xtar." Ani Jang Ah.

"Xtar? Hindi ba sa BH Entertainemnt sila?" Taas kilay na saad ni Nam Suk at sabay pa silang tatlo na tumingin sa akin.

"Tara. Nood tayo!" Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin ako ng tatlo at makipagsiksikan sa makapal na kumpol ng tao na malapit sa stage.

Xtar, Isa sila sa grupo na gumagawa ng ingay sa Idol Industry. At ma ikokompara ko sila sa Grupo dati ng Papa Namjoon ko, ang BTS.

Ganun sila kasikat. At Isa lang ang kilala ko doon at iyon ay si Loxe.

Nameet ko siya noong bata pa ako. Isang trainee din na ngayon ay Idol na. Mabuti pa siya natupad na niya ang pangarap niya samantalang ako heto magsisimulang muli.

Pero wala namang limitation pagdating sa pangarap hindi ba?

"Ang gwapo niyo talaga !"

"Oppa! Tingin ka naman dito!"

"Mahal ko kayo!"

Napapakamot nalang ako sa ulo dahil sa attitude na ipinapakita ng tatlo kong kaibigan.

Parang high school.

Pinanuod ko ang bawat galaw nila at napahanga ako dahil napaka smooth ng mga steps nila at pagkanta. Hindi ko maiwasan na tingnan si Loxe.

Natutuwa ako dahil sa wakas ay naabot na niya ang tuktok ng kanyang pangarap. Matagal ko din siyang hindi nakita sa personal at natutuwa ako na makita siyang nagpeperform sa madaming tao.

"Tara na. Umuwi na tayo. Tapos na." Panyayaya ko sa kanila. Malapit na din namang matapos ang mall show nila at nagsasalita nalang sila.

"Question, Paano kayo dumiskarte sa mga girls?" Narinig ko naman ang tilian ng mga babae dito dahil sa tanong ng emcee sa kanila.

"We need six girls. Any voulounteer para sa short skit?" Halos lahat ay nagtaasan ng kamay. Kahit itong tatlo kong kaibigan ay nakitaas na din.

"Ano ba! Itaas mo na din yang kamay mo." Ani Nam Suk.

"Eh?" Hindi na ako nakapagprotesta ng si Ji Kyo na mismo ang nagtaas ng kamay ko.

Nang dahil sa kaingayan ng tatlo ay natawag kaming apat sa stage at tumawag pa sila ng dalawang volounteer.

"Alright, dahil kompleto na. Girls, pwede na kayong pumili ng partner mula sa Xtar." Saad ng Emcee. Nagulat na lang ako nang si Loxe mismo ang lumapit sa akin.

Ibang-iba na ang itsura niya.

"Long time no see, Ami." Mahina nitong saad. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapanganga. Nakilala pa din niya ako kahit matagal ng panahon na hindi kami nagkikita.

"Let's start with Do Loxe." Saad ng Emcee. Humarap sya sa akin at nagsimula ng umarte.

"Pwede ko bang sukatin ang kamay mo?" Tanong niya. Itinaas ko ang kamay ko hanggang sa tapat ng mukha ko habang pinagmamasdan niya ang palad ko.

Itinaas niya ang kanyang kamay gaya ng ginawa ko at itinapat ang palad niya sa palad ko.

Ramdam ko ang init at lambot ng kanyang palad dahil sa ginawa niyang pagdikit nito.

Lalong umingay ang paligid nang ikulong niya ang kamay ko sa kanyang kamay na para na kaming magkaholding hands. Abot tenga ang ngiti na ibinato niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na ngumiti din dahil sa ginawa niya.

"Wag kang magsusuot ng singsing sa kamay ha? Hayaan mong ako ang gumawa niyan." At kumindat pa ito sa akin.

Isa na yata sa mga requirements ng pagiging Idol ay Kailangan marunong kang magpakilig ng fans at mukhang nagawa naman ng Xtar iyon.

Aminin ko man o hindi, kinilig ako sa ginawa niya.

Iba na talaga ang Karisma niya.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon