▪■▪■▪■▪■▪■▪
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
▪■▪■▪■▪■▪■▪
Crescent Park Series #1 - Strange Love
summary
Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya inaasahan ang matatagpuan doon.
Si Braeden, ang lalaking sa una pa lang nilang pagkikita ay pinaramdam na ang pagkamuhi nito sa kanya. Subalit maliban sa pagsusuplado nito sa kanya'y mayroon pang kakaibang sensasyon na kayang iparamdam ang binata. Sensasyong bago kay Atashka, hindi pamilyar, mapanganib, mali.
Mali lalo pa't nagsasalo sa iisang apelyido si Braeden at ang kanyang hindi nakagisnan na ama. Alam ni Atashka na una pa lang ay dapat na itong iwasan. Ngunit ano ang kanyang gagawin kung tila may hindi nakikitang lubid na nakatali sa kanila ni Braeden at patuloy silang pinaglalapit? Magawa niya pa kayang layuan ito? Kalimutan ang atraksyong nararamdaman? O pagbibigyan ang buyo ng damdamin at hahayaang sa bawal na apoy ay madarang?
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...