"GOOD morning po, Sir Axen," medyo gulat kong bati nang makapasok sa pantry.
Katatapos ko lang na magbihis ng uniporme at nagtungo dito para kumuha ng maiinom. Ngunit hindi ko inaasahan na nandito na rin si Sir Axen. Ang aga niya.
"Good morning," sagot niya saka lumayo na doon sa dispenser at minuwestrahan ako na sumunod na.
Sinahod ko na ang dala kong tumbler saka sumulyap kay Sir na hindi pa rin umaalis. May kailangan kaya siya sa akin?
Nang napuno na ang lalagyan ko'y tinakpan ko na iyon saka muling humarap sa boss ko. Balak ko na sanang magtanong nang naunahan niya ako.
"Kayo ba ni Braeden?"
Nanlaki ang mga mata ko bago sunod-sunod na napailing. "Hindi po," tanggi ko.
Tumango naman si Sir Axen at maluwag akong nakahinga dahil mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko.
Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry if I was asking suddenly. Nagulat lang ako nung auction na nag-bid siya sayo. And he even won. So I thought of that."
Nagulat din po ako nung nag-bid kayo, sagot ko sa isipan.
"Ah, ayaw lang po niyang makadate ko 'yung Felansel. Parang may hindi yata magandang record yun pagdating sa mga babae," alibi ko at tahimik na nagpasalamat na nadinig ko 'yung pag-uusap ng dalawang babae sa auction.
Tumango-tango si Sir Axen. "So, pareho pala kami ng gustong gawin," sagot niya at napataas naman ako ng kilay.
Paanong pareho? Gusto niya rin akong iligtas mula kay Felansel, iyon ba ang ibig niyang sabihin?
Tumingin sa akin si Sir Axen at tahimik akong pinagmasdan bago napangiti saka nagsalita siyang muli. "I don't know why but I kind of feel protective of you. Kaya nung biglang nag-bid si Felansel, I thought of doing something not to make that happen. But unfortunately I wasn't prepared that he would bid that high. Buti na lang nandun si Braeden."
"Oo nga po," sagot ko at hindi na napigilan na magtanong. "Buti hindi po nagalit si Ms. Via nung bigla kayong nag-bid."
Hilaw na natawa si Sir Axen bago napailing. "Why would she get mad when she's pining after someone else?" Napabuntong-hininga si Sir Axen. "She still likes Braeden. And I'm so stupid to think na gusto niyang makipagbalikan sa akin. And even made myself more of a fool when I gave her a chance."
"Sorry po."
Medyo umangat ang gilid ng labi ni Sir Axen. "Why are you saying sorry? You're not the one who did me wrong."
Hindi ako nakasagot at nahihiya lang na napatingin sa kanya.
"Anyway, ako nga ang dapat na magsorry dahil bigla-bigla akong nagsasabi. But thanks for listening. It made me feel somehow better."
"Wala po iyon," nakangiti kong sagot.
Napangiti din siya. "Really? Does that mean when I need someone to vent on, I can go to you again?"
Magkasunod akong napatango. "Oo naman po."
Mas lumapad pa ang ngiti ni Sir Axen. "I'll hold you to that, Tash."
Lumabas na din si Sir Axen at napabuntong-hininga naman ako habang tahimik na hinihiling na sana isang araw ay makita niya na rin ang babaeng para sa kanya.
***
"Guess what day is today," biglang sabi ni Braeden nang nasa sasakyan na kami pauwi.
"Sabado," sagot ko sa gawi niya at napangiti nang mapagtanto na halos natapos na naman ang buong linggo.
Natawa si Braeden. "I know. But I'm talking about a different thing. So, try again."
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...