Kabanata 33

2.4K 77 3
                                    

ILANG beses kong nahuli si Ainie na nakatingin sa opisina ni Sir Axen. Noong una'y hinayaan ko na lang siya ngunit nang maulit pa iyon ng ilang beses na parang hindi na normal ay naisipan kong magtanong na.

"Okay ka lang?"

"Ha?" gulat na baling sa akin ni Ainie. "Paanong okay lang ako?"

"Kanina pa kasi nakatingin d'un sa opisina ni Sir," sagot ko.

"Ah,"  aniya saka medyo lumapit sa akin. "Nakita ko kasing pumasok si Via Montes. Alam mo ba sikat 'yan ngayon kasi nag-umpisang magvlog pero nagmomodel talaga siya. Lagi akong nanonood nung videos niya kaya gusto ko sanang magpapicture kaya inaabangan kong lumabas. Ano kayang ginagawa niya dito? Hindi ko man lang alam na magkakilala pala sila ni Sir Axen. Hindi kaya i-feature niya tong diner sa vlog niya?"

Tumahimik lang ako sa mga sinabi ni Ainie pero napansin kong hindi niya alam na naging kasintahan ni Sir Axen si Via.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Via doon sa office at kasunod nga si Sir Axen.

"OMG! Ang ganda ganda niya talaga," impit na tili ni Ainie sa gilid ko.

Naroon pa rin ang tingin ko nang gumawi sa pwesto namin ang mata ni Via. May pagkakilala sa mukha nito bago ngumiti at saka lumapit na sa pwesto namin.

"Hi, Atashka," nakangiting bati nito sa akin. "Axen already told me na dito ka nga raw nagtatrabaho. But I'm still surprised to see you here. I mean..." ngumiti na lang siya at hindi na tinuloy pa ang sinasabi habang nanatiling tanong na lang sa isipan ko kung ano man iyon. "Anyway, I left food for the all of you here. Kainin niyo ha mamayang break niyo."

Maya-maya pa'y nagsalita na rin si Ainie. "Hi, Ms. Via. Big fan niyo po ako at ng vlogs niyo, pwede pong papicture?"

"Sure," ngiti ni Via.

"Ay nasa locker ko po yung cellphone ko. Pwede niyo po ba akong antayin sandali?"

"Don't bother. Let's just use my phone. May social media ka naman ano para dun ko na lang isend?"

"Yes po! Meron po! Thank you, Miss," hindi na napigilan pa ni Ainie ang kilig at kumuha na nga sila ng larawan. Hindi rin nagtagal at sunod-sunod na ang lumapit kay Via para magpakuha ng larawan.

Tahimik naman akong nagmasid sa gilid. Sikat nga siyang talaga. Ngunit mukhang masaya naman na siya ngayon kumpara doon sa huling beses ko siyang nakita sa shop ni Braeden.

Napalunok ako nang maalalang ang babaeng ito ang huling naging karelasyon ni Braeden. Hindi ako madaling mainsecure pero kung pagkukumparahin kami ni Via ay napakalayo. Saka isa pa, alam ko kung anong klaseng relasyon ang mayroon sila dati. Isang bagay na alam kong malabong maibigay ko kay Braeden.

Ngunit sinabi rin ni Braeden na iba ako sa lahat ng babaeng nakarelasyon niya, at ngayon ay ako ang gusto niya. Napatango-tango ako. Dapat ay maging sapat na iyon.

"Tash, can we talk in my office for a minute?" tanong ni Sir Axen nang maabutan ako sa counter. Katatapos ko lang na mag-serve ng order.

Tumango ako sa kanya at nauna na siyang naglakad papunta sa kanyang office. Ipinatong ko naman 'yung tray sa lalagyan saka sumunod na rin doon.

"Nabanggit ni Dad na nag-offer siya ng scholarship sayo? He reminded me about it earlier and told me to ask you about it. Nagbago na daw ba yung isip mo?" sabi ni Sir Axen matapos kong makaupo doon sa silya sa harap ng mesa niya.

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Nakakatuwa talaga si Mr. Gallego. Ngunit kung ano ang isinagot ko dito dati ay ganoon pa rin ang desisyon ko.

"Hindi pa po talaga ako mag-aaral ngayong taon," sagot ko kay Sir Axen.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon