Kabanata 49

3.2K 73 13
                                    

a/n: sorry natagalan but it's here. T.T again, not edited so excuse the errors, if there's any.

#

NAKARINIG ako ng katok sa pinto ng en suite, kasunod ang boses ni Braeden. "Atashka?"

Inayos ko ang tuwalyang nakatabing sa akin bago sumagot. "Bukas 'yan."

Pumasok naman si Braeden na nakaligo na rin at ngayon nga'y nakapagpalit na ng damit.

"Here," abot niya sa mga damit na hawak. "Use this for the meantime. I already called Canaan and asked him to tell Manang Karing to prepare some clothes for you. Maya-maya nandito na rin 'yun."

Tumango ako't kinuha na ang damit niyang hawak. "Salamat."

"Pagkatapos mong magpalit, sa dining ka na dumiretso. Parating na din 'yung inorder kong dinner natin," huling sabi ni Braeden bago lumabas na din at iniwan na ako doon.

Nagpalit na rin ako at agad na sumunod kay Braeden sa labas. Nang magtungo ako sa dining ay nakahanda na iyong mga pagkain. Tinapik niya iyong upuan na nasa tabi niya. "Come here."

Lumapit naman ako doon ngunit bago pa ako makaupo ay biglang kinabig ni Braeden ang bewang ko. Napaupo ako sa kandungan niya't napahawak sa kanyang balikat.

Isinubsob naman ni Braeden ang ulo sa leeg ko,huminga nang malalim bago nilapatan ng maliit na halik ang bahaging naabot ng labi niya. Napapikit ako at sinimulang namnamin ang pakiramdam noon nang biglang lumayo si Braeden.

Napamulat ako't nakitang nakangiti na siya sa akin.

"Sorry, I just can't help it. You on my clothes is just a sight to see," saad niya. "Remember the first time I let you borrow my clothes?"

Tumango ako. Naalala ko nga iyon. "Doon sa isla," sagot ko saka biglang napasimangot. "Sobrang nainis ako sa'yo n'un. Bigla na lang nag-iba 'yung pakikitungo mo sa akin samantalang ang ayos-ayos natin nung gabi ng birthday ni Donovan."

Bumuntong-hininga si Braeden. "I know I'm such a asshole back then, treating you that way. I just don't know how to handle what I feel for you at that time. I wanted to fight it and go for it at the same time. And it was only when you hold me that night I finally figured out what to do."

Maliit akong napangiti nang maalala kung anong nangyari sumunod iyon. Nakipaghiwalay siya kay Via at nagsimulang ipakita sa akin ang totoo niyang nadarama.

At malaki ang pasasalamat ko dahil sa desisyon niyang iyon.

Marahang pinisil ni Braeden ang magkabilang bewang ko ng kanyang mga kamay na kanina pa nakahawak doon. "Even how much I want you to just sit here on my lap, I doubt we can both eat properly like this."

Napakagat ako ng labi bago pinanliitan siya ng mata. "Ikaw ang may kasalanan, basta-basta mo na lang akong kinakabig."

Mahinang natawa si Braeden bago sumagot. "I'm sorry. Sabi ko nga, hindi ko lang mapigilan. But now, we really have to eat bago pa lumamig itong pagkain."

Maingat niya akong inalalayan hanggang sa makatayo ako hanggang sa pag-upo ko doon sa katabing silya. At kahit nang magsimula kaming kumain ay maya-maya ang pagbaling sa akin ni Braeden.

Napailing na lang ako ngunit hindi rin maitago ang ngiti at sa mga oras na iyon ay pansamantala kong nakalimutan ang kirot sa dibdib.

Nang matapos kaming kumain at makapagligpit ay agad na kaming naghanda sa pagtulog.

At magmula nga ng makapasok kami ng kwarto ay yakap-yakap lang ako ni Braeden habang magkatabi kami sa kama. Tahimik lang siyang nakikinig nang sinimulan kong magkwento tungkol sa nangyari kanina. Wala siyang sinabi at hinayaan na ilabas ko lahat ng aking saloobin. Ngunit sa totoo lang, ang makapiling siya sa tabi ko ngayon ay higit na sapat na sa akin.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon