Kabanata 10

4.2K 125 20
                                    

ANG sarap ng tulog ko. Ganito ba talaga kapag bago ang suot mong damit? Humihimbing ang tulog? May ngiti pa rin sa labi, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata.

Una kong napansin na maliwanag na iyong kwarto. Napakunot ako ng noo. Naiwan ko bang bukas iyong ilaw kagabi?

Dumiretso ang tingin ko sa ilaw doon sa kisame at nakitang nakapatay naman iyon. Pero kung ganoon, bakit—

Doon ko palang napagtanto. Napabangon ako sa kama saka tumingin sa bintana kung saan nakahawi yung makapal na asul na kurtina sa magkabilang gilid, kung paano ko iyon iniwan kagabi. At mula nga doo'y maaaninag kung gaano na kataas ang araw sa labas.

Kagat labi akong napatingin sa orasan sa pader at namilog ang mga mata sa nakita, ngayon ay siguradong gising na gising na. Pasado alas nueve na.

Nagmadali akong tumayo, inayos ang hinigaan at sa isipan ay paulit-ulit binabatukan ang sarili. Late na akong nagising. Hindi ko na natulungan si Manang Karing.

Pagkatapos kong gamitin ang banyo para maghilamos at magtoothbrush ay bumaba na ako. Sa ganitong oras ay naroon na si Manang Karing sa likod-bahay, nagdidilig ng mga halaman.

Doon na sana ako patungo nang makaamoy ng hindi kaaya-aya. Parang may nasusunog. Nagmadali akong pumunta sa pinanggagalingan n'un—sa kusina. Nagluluto na ba si Manang Karing?

Pero nang makatuntong ako doon ay natigilan ako nang makita kung sino 'yung nasa harap ng electric stove.

Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero kahit sa tindig niya lang ay alam kong siya na 'yun.

Idagdag pa na ang ayos niya ngayon ay pareho kung paano ko siya iniwan sa kanyang kwarto kagabi. Walang pang-itaas. Kaya't kitang-kita iyong muscles niya sa likuran sa bawat paggalaw.

Napatungo ako sabay napapikit. Bakit wala na naman siyang suot na damit?

Naamoy ko na naman 'yung sunog na niluluto kaya't napatingin akong muli doon kay Braeden. Huminga na lang ako nang malalim saka lumapit. "Alisin mo na lang muna 'yung kawali."

Nilingon ako ni Braeden at ang parehong kilay niya ay umangat. Pero agad din siyang bumaling sa niluluto at ginawa 'yung sinabi ko.

Nang maipatong niya doon sa counter 'yung kawali ay naglakad na ako papalapit doon.

"Bakit pala ikaw 'yung nagluluto?" tanong ko sa kanya at pumuwesto banda roon sa may mesa. "Nasaan si Manang Karing?"

Pinatay muna ni Braeden ang stove bago ako tiningnang muli at paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sariling sa mata niya lang tumingin.

"Maaga siyang umalis," sagot niya. "May emergency doon sa kanila. 'Yung anak niya raw naaksidente sa motor."

Nanlaki ang mga mata ko roon. "Ano? Kumusta naman daw 'yung anak niya? Si Manang Karing, kumusta siya?"

"He was rushed to the hospital but nothing critical according to Manang Karing's husband. And she's okay, don't worry. Manang Karing's stronger than you think. But to make sure she'll arrive at Isabela safely, pinahatid ko na siya kay Manong Dennis."

Tumango ako. Mabuti naman kung ganoon. "Si Ate Andeng dumating na ba?"

Umiling si Braeden. "She'll not come to work today," sagot niya at napaangat ang kilay ko. Saka dinugtong, "She said sasamahan niya 'yung mama niya sa clinic."

Tumango naman ako, ngunit ngayon ay mas mabagal saka ibinaba ang tingin sa sahig. Wala si Manang Karing, maging si Manong Dennis. Wala rin si Ate Andeng at hindi pa bumabalik si Manong Ramon.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon