Kabanata 22

3.3K 93 4
                                    

NAUNANG kumilos si Braeden. Naglakad ito papalapit sa akin at huminto sa harapan ko, halos isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa.

Wala pa rin akong imik habang nakatingin pa rin sa kanya nang walang anu-ano'y marahan niyang inabot ang pareho kong mga kamay at pinatong sa magkabila niyang balikat. Saka sunod na humawak ang mga kamay niya sa bewang ko. Agad kong nadama ang init mula sa kamay niya.

"Is this okay?" tanong sa akin ni Braeden. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang posisyon ng mga kamay namin.

Tumango ako at bahagyang ngumiti si Braeden at nagsimula nang gumalaw ang mga katawan namin.

"You know this song?" basag ni Braeden sa katahimikan na muling bumalot sa amin.

"Narinig ko na dati," sagot ko. "Pero hindi ako pamilyar sa title."

"It's Tenerife Sea," saad ni Braeden. "By Ed Sheeran, one of Donovan's favorite music artists."

Napatango naman ako. Iyon pala. Hindi na rin ako magtataka kung si Donovan 'yung nag request na isama itong kanta.

"Donovan actually went to his concert. Nung pumunta siya dito sa Pilipinas," kwento pa ni Braeden saka biglang nagtanong, "How about you? Have you ever been into a concert?"

Saglit na napunta ang isipan ko nung nasa Del Cuervo pa ako. Tuwing may pista, may mga dumadayo rin namang tagapag-aliw doon. Iyon nga lang ay puro mga komedyante o mga mananayaw. Kaya kahit na lokal na mang-aawit ay wala pa akong napapanood na magperform ng live.

Umiling ako kay Braeden. "Hindi pa." Saka nangiti nang may biglang maalala. "Maliban na lang kung maibibilang na concert 'yung nagaganap sa paaralan kapag may talent day at nagpeperform 'yung school band."

"Pwede naman," nakangiti niyang sabi at tumahimik na muli kaming dalawa.

Hindi ako komportable sa tahimik. Kapag tahimik, tila wala kaming ibang maaring gawin kundi ang tumitig sa mga mata ng isa't isa. At naroon na ang problema dahil sa tiim ng tingin niya sa akin ngayon ay parang kaunti na lang at mababasa na niya ang nasa kaibuturan ko.

Kaya't para maiwasan lang ang katahimikang ito ay nagsalita na ako. "Binura na pala ni Canaan yung picture."

Napaangat ang gilid ng labi ni Braeden doon. Napakagat naman ako ng labi. Bakit iyon ba ang nasabi ko?

"Canaan's really like that. Playful. Like he's trying to find humor in every single thing," sabi ni Braeden. "And through years, I managed to somehow not to only bear but accept that side of him. I'm just sensible of others na hindi pa siya ganoon kakilala. Because he might appear offensive already."

Nang hindi pa rin ako nagsalita ay nagpatuloy na si Braeden, "And I guess you and Canaan are okay?"

"Oo naman," sagot ko at ngumiti. "Wala namang problema sa akin 'yung litrato. Alam ko naman 'yung totoo."

Na laro lang ang ginawa namin at wala kaming ginagawang masama.

Napatango-tango si Braeden. At nang akala kong tatahimik na ulit ay saka siya muling nagtanong, "How about us? Are we okay?"

Parehong napaangat ang mga kilay ko. "Bakit naman magiging hindi?"

Nagkibit-balikat siya. "Maybe because I noticed you were kind of quiet after we did the game. And you can't also look at me after that."

Kumunot ang noo ko sa kanya saka agad na itinaboy ang naramdamang kaba. Nahalata niya ako kanina.

"Hindi ah," sagot ko at pilit na pinirmi ang boses. "Tahimik lang talaga ako. Saka nakakatingin naman ako sa'yo ah. Tulad ngayon."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon