NARAMDAMAN kong mayroong tumatama sa aking mga mata. Liwanag. At kahit pa nakapikit ang mga mata'y dama kong maliwanag na sa labas.
Marahan kong binuksan ang mga mata ngunit agad na tinakpan iyon ng mga kamay nang sumalubong sa akin ang sikat ng araw mula sa bintana, doon sa hindi natakpan ng kurtina.
Umaga na nga. Nasa ganoong ayos pa rin ako nang biglang maalala kung nasaan ako ngayon. Agad akong natigilan sabay tingin sa aking tabi.
Napabuntong-hininga ako nang makitang bakante iyon. Inaasahan ko lang na nariyan pa si Braeden. Subalit wala na siya. Nasaan kaya siya?
Dali-dali akong bumangon at iniligpit ang pinaghigaan saka dumaan ako sa banyo sa loob ng kwarto at habang naghihilamos ay hindi maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Natulog kaming magkayakap.
Alam kong hindi ko dapat isipin pero hindi ko mapigilan ang sariling alalahanin ang pakiramdam ng bisig niya sa akin, ng pagkakalapit ng katawan naming dalawa.
Nagbuga akong muli ng malalim na hininga saka nagsaboy ng tubig sa mukha. Tinapos ko na ang paghihilamos at nang mapunasan ang mukha'y bumaba na ako.
Mayroong ingay sa kusina at napakunot ako ng noo. Nagluluto ba si Braeden?
Ngunit nang makarating doon ay parehong nanlaki ang mga mata ko nang iba ang makita.
"A, you're finally awake!" salubong ni Canaan at binaba iyong hawak niyang tasa. Parang kape, base sa amoy.
Patuloy ko lang siyang tinitigan. Naglalaro ang mga tanong sa isipan. Kailan pa siya narito? Saka si Braeden, nasaan?
Nang matukoy na mukhang hindi ko makukuha ang sagot sa mga iyon maliban na lang kung direktang magtatanong ay ibinuka ko na ang bibig.
"Kanina ka pa nandito? Sino pa lang kasama mo?" pauna kong tanong at nag-alangan kung itatanong pa pero sa huli'y mas nanaig ang kagustuhan kong malaman kung anong sagot. "Si Braeden pala, nasaan?"
"Shooting me up with those questions already? Wala man lang good morning?" natatawa-tawa niyang sabi.
Sumagot na lang ako. "Good morning."
Muling natawa si Canaan samantalang napakunot ang noo ko. Pinagtitripan niya ba ako?
"You're really adorbs, A," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Saka siya napailing. "Too bad I don't have a chance on you."
"Canaan," saway ko sa kanya. Sigurado na ako ngayon, pinagtitripan niya talaga ako.
Natawa siya't naglakad palapit pa sa akin saka inabot ang aking ulo, marahang ginulo ang buhok ko. "Chill, A. Just joking."
Inilagay niya ang parehong kamay sa loob ng bulsa ng maong niyang shorts. "And to answer your questions, I arrived here at six am, kasama ko sina Mang Pablo at Miguel. Braeden was still not feeling well so he had to be rushed to the hospital. Babalikan naman tayo ni Miguel dito. Siguro nga pabalik na 'yun. Anyway, we brought some food. Have your breakfast."
Dinala si Braeden sa ospital? Hindi pa rin pala siya magaling. Kumusta na kaya ang lagay niya?
Marahil ay napansin ni Canaan ang reaksyon ko kaya't nagsalita siyang muli. "Don't worry. Bray's a tough one. Kaya walang-wala lang dun ang simpleng lagnat." Binigyan niya ako muli ng ngiti sabay tingin doon sa tupperware na nasa mesa. "Go eat. We can't have you getting sick too."
Tumango ako kay Canaan saka umupo na doon sa mesa para kumain.
Halos kahalating oras din ang lumipas bago nakabalik si Miguel para sunduin kami. Nang marating na nga namin ang bahay nila ay dumiretso na rin kami sa byahe pa-Maynila.
BINABASA MO ANG
Strange Love
عاطفيةCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...