Kabanata 6

4K 127 21
                                    

NAKATULALA pa rin akong nakatingin kay Braeden.

Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay doon sa gulat na siya itong sumalubong sa akin. O dahil sa murang binitawan niya. O baka sa parehong kadahilanan, hindi ko alam.

Binuka ko na ang bibig, handang magpaliwanag nang nagsalita siyang muli.

"Doon sa loob."

Pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako't mabibigat ang mga paang naglakad papasok ng pinto.

Pumasok na rin ako pagkatapos ay isinara muna ang gate bago sumunod sa loob. Pagkabukas ko ng front door ay ang nag-aalalang mukha ni Manang Karing ang tumambad sa akin.

"Atashka, hija," bulalas nito saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Nakung bata ka, saan ka ba nanggaling? Alalang-alala ang lahat dito. Anong oras na? Bakit ngayon ka lang nakauwi?"

"Manang, nag-apply po ako ng trabaho," mahina kong sagot.

"Ano? Hanggang ganitong oras?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Manang Karing. "Naku! Saan ka ba nakarating at dis oras na ng gabi."

Susunod ko na sanang sasabihin ay kung anong nangyari sa maghapon ko. Na tumulong na rin ako doon sa pinag-aaplyan ko't tanggap ako.

Pero ibubuka ko pa lang ang bibig nang mayroong sumali sa usapan namin.

"Manang Karing, pwede na po kayong magpahinga."

Halos sabay kaming napatingin ni Manang kay Braeden na nakatayo hindi kalayuan sa amin, ang kamay ay nakahalukipkip.

Hindi agad sumagot si Manang Karing saka tumingin sa akin. "Pero, si Atashka—"

"Ako na po ang bahala sa kanya," malamig na tugon ni Braeden at nadagdagan lang ang kabang nadarama ko.

Gusto ko talagang magmakaawa kay Manang Karing na 'wag akong iwan. Hindi ko alam ang magiging lagay kay Braeden pero sigurado akong hindi iyon maganda.

At kapag nawala si Manang Karing ay baka hindi lang iyong murang narinig ko mula dito kanina ang matanggap ko.

Pero, naisip ko rin na kailangan kong harapin ang naging dulot ng ginawa ko.

Kung paano 'yung inisip kong pagpapaliwanag kay Manang Karing kanina, iyon din ang gagawin ko kay Braeden. Tanggapin man niya o hindi, 'di bale na.

"Okay lang po, manang," sabi ko na sa matandang babae. "Magpahinga na po kayo. Pasensya na rin po kung napag-alala ko po kayo."

Tiningnan lang ako ni Manang Karing bago napabuntong hininga. "O siya," sagot nito saka muling binaling kay Braeden ang tingin. "Braeden ha, pagpahingahin mo na rin itong si Atashka."

Doon ay tumango lang si Braeden. Lumingon pang muli sa akin si Manang Karing na tila ay nag-aalala pa rin. Ngumiti na lang ako dito.

Parang nakuntento naman siya sa ginawa ko't tuluyan nang naglakad palayo, iniwan na kaming dalawa ni Braeden.

"Follow me," mabilis na sabi ni Braeden bago naglakad patungong sala.

Sumunod ako roon. Nang umupo siya sa isa sa mga silya habang nanatili akong nakatayo sa di kalayuan.

Nakarinig ako ng malalim na paghinga mula sa kanya bago siya nagsalita. "Tatayo ka na lang ba dyan?"

Bahagya pa akong napatalon sa medyo malakas na niyang boses. Pero agad din akong pumunta doon sa mahabang sofa na katapat lang ng pwesto niya at doon sa gilid umupo.

"So," umpisa niya matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Start explaining yourself. Sagutin mo yung tanong ko kanina."

"Naghanap akong trabaho gaya nung paalam ko sa'yo," sagot ko. Nang nakita kong wala pa siyang balak magsalita ay nagpatuloy lang ako. "Ayun marami naman akong nakitang pinag-applyan pero doon sa huli hindi inaasahan na bigla akong pinatulong na magserve. Initial exam ko raw. Pumayag naman ako. Hanggang alas diyes pala 'yung bukas nung kainan. Pero may maganda namang balita," ngumiti na ako doon. "Tanggap na ako sa trabaho. Ang totoo magsisimula na nga ako sa Lunes. Saka ito oh."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon