Kabanata 26

3.5K 99 15
                                    

NANG makarating ako sa shop kinaumagahan ay yung gwardiya pa lang ang naroon. Sa locker room ako dumiretso para makapagpalit ng uniporme. At nang kunin ko na iyong nametag sa loob ng bag ay saktong napunta din ang tingin ko doon sa cellphone na nandoon.

Hindi ko na nga rin napigilan ang isipang alalahanin ang mga mensaheng natanggap kagabi mula kay Braeden.

Hindi na ako sumagot doon. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin. At hindi na rin siya muli pang nagpadala ng mensahe.

Napabuntong-hininga ako. Mas maigi nang ganoon.

Yung kagabi, hindi na dapat pang maulit iyon.

"Grabe, akala ko talaga nakipagtanan ka na doon sa pogi na sumundo sa'yo dito kahapon," saad ni Ainie nang makapasok kami sa pantry para sa lunch break.

"Kunsabagay," patuloy niya pa matapos makaupo. "Kung ako rin siguro, sasama na lang ako basta dun. Wala nang tanung-tanong pa."

Napahagikhik pa siya pagkatapos. Napailing naman ako.

"Anong pinagtatawanan niyo dyan?"

Nabaling ang tingin ko sa ngayon ay nakabukas ng pintuan ng pantry. Naroon na si Ms. Shey.

Ibinuka ko ang bibig ngunit naunahan ako ni Ainie sa pagsagot. "Ah, wala po, Miss. Niloloko ko lang 'tong si Tash na baka nakipagtanan na po kaya biglang absent kahapon."

Agad na napasimangot si Ms. Shey. "Naku, Ainie. Tigilan mo 'yan. Ang bata-bata pa nitong si Tash ha."

"Miss, biro lang naman po," depensa ni Ainie.

"Kahit na," sagot ni Ms. Shey.

Tuluyan nang nanahimik si Ainie sa tabi ko. Tatanungin ko sana kung okay lang siya nang kausapin ako ulit ni Ms. Shey. "Tash, 'yung binigay mo palang telephone number, bale iyon na ang ilalagay ko sa personnel profile mo."

Agad akong tumango. Saka ko naalala 'yung bagong cellphone. "Ah, miss. Pwede ko po bang dagdagan pa ng cellphone number?"

"Oo naman," sagot ni Ms. Shey. "Mas maigi nga iyong maraming pwedeng ipacontact sayo."

Doon ko muling narinig ang boses ni Ainie. "Uy, Tash. May cellphone ka na?"

Hinarap ko siya at nahihiyang ngumiti. "May nagpahiram lang."

Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko gayong alam ko namang bigay iyon ni Braeden. Ewan, iniisip ko pa rin kasing isauli iyon kapag nakabili na ako ng sariling sa akin.

Nang matapos kaming makakain ay bumalik na kami sa pwesto at hindi nga nagtagal ay natapos na rin ang oras ng shift ng pang-umaga. At lubos kong ipinagtataka kung bakit hindi nagpakita si Sir Axen ngayong araw.

Baka naman mamaya pa 'yung hapon. Wala rin namang nabanggit si Ms. Shey kaya hindi na rin ako nagtanong.

"Tash, lakad na ako sa terminal ha," paalam ni Ainie nang makalabas kami ng shop. "See you bukas."

"See you," sagot ko't pinanood siyang maglakad bago kinuha ang notebook sa loob ng bag kung nasaan yung address ng shop ni Braeden.

Kagabi, sinearch ko sa internet kung paano magtungo doon. May jeep namang dumaraan mismo doon sa shop pero maglalakad pa ako ng ilang kanto bago makarating doon sa highway kung saan ang ruta ng jeep.

Maglalakad na nga ako papunta doon nang mayroon akong narinig na busina. 

Npatingin ako sa paparating na pamilyar na sasakyan. Bumukas nga ang bintana noon at bumungad ang nakangising si Canaan.

"Going to Bray's shop?" tanong niya. Hindi ako sumagot ngunit inalok niya pa rin iyong upuan sa harap. "Lets go."

At hindi na ako umangal pa't sumakay na rin doon.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon