Kabanata 37

2.3K 76 7
                                    

NANLAKI ang mga mata ko kasabay ng panginginig ng mga kalamnan. Paano nalaman ni Via ang tungkol doon?

"What the hell are you talking about, Via?" malakas na sabi Canaan. "Watch your mouth. You can't just say insane things like that."

"Insane?" hilaw na natawa si Via. "I'll tell you all what's insane. I just saw them kissing a while ago."

Mas lalo pa akong natigilan sa kinauupuan. Nakita niya iyon? Pero walang tao sa labas ng dressing room kanina. Maliban na lang kung hindi talaga namin siya natunugan.

"What?" si Romaine naman ang sumagot. "We know your drunk but you can't be making up things like that."

"I'm not making things up," malakas na sagot ni Via, "I know what I saw. At nakita ko silang naghahalikan sa labas ng CR kanina."

"CR you mean dito sa second floor?" pabalik na tanong ni Canaan.

Kumunot naman ang noo ni Via. "Of course. Saan pa ba?"

Parang nabunutan naman ako ng malaking tinik. Hindi kami iyon. Hindi kami ni Braeden ang nakita niya. Ngunit sino ang maaaring magpatunay noon?

Biglang natawa si Canaan at nalipat dito ang tingin ko. "I hate to break it to you but it's not them that you saw. Kanina pa sila sa baba. Sinundo ni Braeden si A sa dressing room at kararating lang nila dito."

"I don't believe you," iling ni Via. "But of course you would do that. You will lie just to cover up your brother's dirty secret."

Maya-maya pa'y tumayo si Romaine saka hinila ang kamay patayo ni Canaan at biglang siniil ng halik ang huli. Parang hindi naman nagulat si Canaan at agad na ginantihan ang halik ni Romaine.

Nag-iwas na ako ng tingin. Anong ginagawa nila?

Hindi nagtagal nang marinig kong muli na nagsalita si Romaine. "Is this what you saw?" tanong nito kay Via. "Because I was sure we were doing the same thing in front of the CR ten minutes ago."

Doon tila natauhan si Via. "But I thought that was..."

"Well, you thought wrong!" si Canaan na ngayon ang sumagot. "And please, next time make sure you can handle your alcohol well. It surely is affecting the way you see things."

Hindi na nakapagsalita si Via bago napatingin sa direksyon ni Braeden. "Braeden, I'm sorry," mahinang sabi nito ngayon. "I didn't mean to say those things. I just thought what I saw was...I was just desperate okay? I just want you to take me back. I just want us to get back together."

Walang anu-ano'y umiyak na ito at saka napaupo doon sa sahig.

Bumuntong-hininga si Braeden sa tabi ko saka tumayo. "Let's find her a ride, Cane." Bago tumingin sa mga kaibigan. "Kayo munang bahala sa kina Romaine at Atashka."

Tumango ang dalawa bago sumagot si Vito. "Sure, man."

Umalis na din sina Braeden at Canaan habang akay-akay ang lasing na si Via. Samantala, umupo na rin ulit si Romaine sa silya.

Napapalatak si Vito. "Braeden really knows how to pick his girlfriends. The last one also made a scene, right?"

Tumango-tango naman si Levinson. At hinihintay kong magtanong sila tungkol sa nasabi ni Via, yung relasyon ko sa mga Koss ngunit wala silang nabanggit.

Parang wala nga lang sa kanila ang narinig. Inisip ko tuloy kung alam na rin nila ang tungkol doon. Malaki ang tsansa dahil maging si Via ay may alam din.

"But what a nice show you've got there, Romaine. So, are you and Canaan are official now?" baling ni Vito dito. "Or are you guys just love to exchange smoochies?" 

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon