unedited. please excuse any error. thank you. x
*
PAGKALABAS ko nang fitting room ay si Tita Anastacia na lang ang nadatnan ko.
"May nagustuhan ka ba dun sa mga damit? May nakita pa akong iba na pwede mong itry," nakangiting saad nito.
"Meron po," sagot ko. "Yung kulay asul po."
"That's a great choice," sabi ni Tita. "Anyway, okay ba yung fit sayo or should we ask for another size?"
At sasagot pa lang dapat ako nang bigla kong narinig na nagsalita yung staff. "Nagpakuha na po yung anak niyo kanina ng ibang size."
Gulat namang tumingin si Tita Anastacia dito bago binaling sa akin ang mga mata. "Braeden knows your size?"
"Siya po kasi yung sumama sa akin nung bumili kami ng damit dito para sa White Night."
Napatango naman si Tita Anastacia. "Ah, that's why. Speaking of Braeden, nauna na pala siyang umalis. Kailangan niya pa kasing bumalik sa shop niya. Anyway, since you've already picked a dress, lets now look for a matching shoes."
Nagtagal pa siguro kami ng dalawang oras sa boutique. Nagsukat rin kasi si Tita Anastacia ng susuotin. At dinagdagan pa ng isa 'yung dress na nauna kong napili. Sabi niya'y para mayroon daw akong reserba.
"You and Braeden...the two of you are seem close," biglang saad ni Tita Anastacia. Napatingin ako sa kanya at wala namang ibang mababanaag sa mukha niya. Sa halip ay nakangiti pa nga siya sa akin. "Wala lang. It just makes me happy knowing how he is. Well, I love all of them three but Braeden, he's a tough nut to crack. But you've managed to deal with him."
Huminga nang malalim si Tita Anastacia. "I'm just worried na baka hindi ka nila natrato ng tama habang wala kami ni Lander. But seeing that you somehow formed a bond with them, I feel okay now. Wala naman pala akong dapat na ikabahala."
"Mababait po ang mga anak niyo, Tita," sagot ko.
"And so are you," sagot ni Tita Anastacia. "I heard so many things from Manang Karing and Andend about you. Even from the Manongs," bulong niya sabay sulyap kay Mang Dennis na abala sa pagmamaneho sa harap. "At kahit pa sandali pa lang kitang nakakasama, I can see that you have a beautiful soul. Plus, you really have good looks. Kaya sobrang swerte talaga nang magiging first boyfriend mo. Promise me one thing, though. Kung dumating na kung sinuman iyon, hindi ka mahihiya o matatakot na ipakilala siya ha?"
Ngumiti ako bago tumango kay Tita Anastacia. "Good. Aasahan ko 'yan."
"Anyway, Lander told me you really look a lot like your mother. And now, looking at you, I can totally imagine how mesmerized he was when he first saw her. At alam mo ba, secret lang natin 'to, but Lander's first love was Olga."
"Po?" gulat kong tanong.
"You're surprised, aren't you? But that's the truth. He has quite an interesting story about it actually. Pero hahayaan ko na lang siyang magsabi n'un sayo."
Saglit na tumahimik si Tita Anastacia at inabot ang buhok ko, marahang hinaplos iyon bago bahagyang sumeryoso ang mukha niya. "I'm still sorry that your mother had to leave like that. But she must be happy now that you grew up this way."
Niyakap ako ni Tita Anastacia at hindi ko naman mapigilan ang ngiti habang sa isipan ay iniisip na nakamasid ngayon sa akin si Nanay Olga. Totoong maaga niya akong iniwan ngunit alam kong kahit hindi ko na siya kapiling ay palagi lang siyang nandyan, nakabantay sa akin.
At alam kong panatag na ang loob niya ngayon hindi lang dahil nagtagpuan ko na ang ama, kundi dahil nagkaroon din ako ng bagong pamilya.
***
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...