Kabanata 35

2.3K 68 2
                                    

"ATE, sorry ha. Hindi ka tuloy nakauwi ng maaga ngayon," hingi ko ng dispensa kay Ate Andeng na kasalukuyang inaayos ang buhok ko.

Tinagpo niya ang mata ko sa salamin. "Ano ka ba, okay lang ano. Saka nag-eenjoy nga akong gawin ito eh."

Itinuloy pa niya ang pagtali sa buhok ko hanggang sa matapos siya sa ginagawa saka winisikan ng hairspray.

"Ayan okay na," nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin sa salamin. "Kaso sure kang ayaw mong mag-make up? Okay ka na dyan sa lipstick?"

Tumango-tango ako. "Mas komportable po akong ganito lang."

"Okay, sabi mo eh," sagot niya. "Sige na, isuot mo na yung damit mo. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong sa zipper ah."

Ngumiti ako at tumango sa kanya bago kinuha ang nakahanger na dress sa cabinet saka pumasok sa loob ng banyo. Inalis ko ang robang suot saka isinuot na yung damit. Lumabas ako ng banyo na hindi pa naitataas yung zipper at nagpatulong kay Ate Andeng.

"Alam kong kanina ko pa sinasabi pero ang ganda mo, Atashka," papuri ni Ate Andeng na nahihiya ko lang nginitian. "Naku, kailangang bantayan ka nang maigi nina Sir kasi baka kung sinu-sino ang umaligid sayo doon sa party."

"Hindi naman po siguro," sagot ko.

"Sus, yan ka na naman. Pahumble effect. Sige na magsuot ka na ng sapatos at bumaba na tayo. Sigurado akong atat na si Manang Karing na makita ka."

Tama nga si Ate Andeng sa tinuran niya dahil hindi mawala ang tingin sa akin ni Manang Karing nang makababa na kami.

"Ikaw ba talaga 'yan, hija?" tanong ni Manang at napangiti ako. "Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon."

"Manang, grabe ka magseselos na ako ha. Kaninang nakita mo kami ni Bray, hindi naman ganyan ang reaksyon mo," singit ni Canaan at pumuwesto sa gilid ko.

"Eh paano'y lagi ko naman kayong nakikita na ganyan ang ayos. Itong si Atashka ay ngayon lang at talagang nasorpresa ako," sagot ni Manang Karing.

Natawa si Canaan. "Biro lang po, Manang." Saka bumaling sa akin. "But Manang Karing's right, A. You really look gorgeous tonight."

Lumapit sa akin si Canaan at tumungo, ang bibig ay halos kalahating pulgada na lang ang layo sa tenga ko, saka mayroon siyang binulong, "Looks like Bray will be having a hard time keeping you away from boys tonight."

Mayroong tumikhim at agad na napunta ang tingin ko kay Braeden na ngayon ay nakalapit na rin at pumwesto sa likuran ni Manang Karing habang seryosong nakatingin sa amin ngayon ni Canaan. Lumayo na din si Canaan sa akin.

"Malapit nang magsimula yung party. We should get going," sabi nito sa malamig na boses.

Mahinang natawa si Canaan sa tabi ko. "You never cared about the time before. But anyway, let's go. Baka hinahanap na rin tayo ni Romaine."

Kaming tatlo nga lang ang umalis. Hindi na sumama si Donovan gaya ng nauna nitong sinabi nung isang araw. Sabi pa ni Canaan ay hindi raw talaga mahilig sa pagtitipon ang bunso nilang kapatid. Mas gusto pa raw nitong magkulong mag-isa sa kwarto at gumawa ng music.

Samantala, hindi naman naging tahimik ang byahe namin dahil sa patuloy na pag-iingay ni Canaan. At ngayon nga ay si Braeden ang napiling pagdiskitahan.

"Bray, what do you think of how A looks tonight?" tanong ni Canaan mula doon sa pwesto niya sa harap. "Hindi ko pa naririnig ang comment mo."

At dinamay pa ako.

Hindi naman sumagot si Braeden at pinanatili ang atensyon sa daan. Ngunit maya-maya ay nakita kong tinagpo niya ang mata ko doon sa salamin at hindi ko napigilang ngumiti sa gawi niya. Sa loob-loob ko'y gusto ring malaman kung anong nasa isipan niya.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon