Kabanata 8

3.8K 106 7
                                    

GINUGOL ko ang oras sa panonood kay Manang Karing habang ang huli'y abala sa gawaing bahay. Kahit saan yata siya sa magtungo sa bahay ng Koss ay sinundan ko siya.

Kung hindi lang ba siya istrikto sa pagbabawal sa akin sa pagtulong sa kanya'y kanina pa nakahanap ang mga kamay ko ng gagawin. Ang hirap nito, ilang gasgas at sugat lang naman ang natamo ko'y pakiramdam ko'y imbalido ako.

Pero mas kaya ko naming tiisin ang pag-upo kesa naman ang magalit si Manang Karing sa akin.

Dito sa tahanan ng mga Koss, kahit na sa sandaling panahon ay sobra akong nagpapasalamat sa kabaitang ipinamalas sa akin ni Manang. Ilang beses niya na iyong pinakita pero kagabi ko iyon lubusang nadama. Noong halos ayaw niya na akong iwan para lang hindi mapagsalitaan nang hindi maganda ni Braeden.

"Manang, anong oras po ba tayo aalis?" tanong ni Mang Dennis nang sumulpot ito sa garden.

Naroon kasi kami ngayon. Kasalukuyang nagdidilig siya ng mga halaman.

"Anong oras na ba?" balik na tanong ni Manang Karing.

"Mag-aalas cinco na po," sagot ni Manong Dennis.

"Ay naku, kailangan na nating umalis. Wala nang natirang pang-hapunan dyan," sagot ni Manang saka ibinaba iyong hose na hawak. "O siya, ihanda mo na iyong sasakyan at magpapalit lang ako."

"Sige po," sagot ni Mang Dennis saka iniwan na kami.

Ako naman ang nagtanong kay Manang Karing. "Saan po kayo pupunta?"

"Sa supermarket," sagot niya. "Bibili ng hapunan natin saka iyong ibang grocery, paubos na rin kasi."

"Pwede po ba akong sumama?" nakangiti kong tanong kay Manang Karing.

Hindi agad siya sumagot, basta tiningnan lang ako na tila ay nag-iisip.

Kaya't sinamantala ko ang pananahimik niya't mas ginalingan sa pagkumbinsi. "Sige na po, Manang," pilit ko. "Ayoko lang po talagang mag-isa dito."

"O siya, sumama ka na."

"Salamat po," buong galak kong sagot kay Manang Karing.

Hindi ko lang maitago ang saya ko. Paano'y isa sa matagal ko na talagang gusting puntahan ay 'yung malalaking supermarket sa loob ng mga mall. Sa Del Cuervo kasi'y kung gusto mong makapunta ng mall ay kailangang pang tumawid ng dagat at magbyahe ng mahigit tatlong oras.

Hindi pa kasi ganoon karami ang mga establisyamento na napapatayo roon. Ni kahit isang sikat ngang fast food chain ay wala pa. Nitong taon nga lang nagkaroon ng isang convenient store doon sa bayan.

Kaya nga naman ngayon ay sobrang nasasabik lang ako sa pupuntahan namin ni Manang Karing.

***

Hindi kami sa mall nagpunta.

Ang totoo nga'y hindi kami gaanong lumayo sa subdibisyon. Dahil ilang kanto lang mula sa Crescent Park ay mayroon ng supermarket.

"Atashka, mayroon ka bang gustong bilhin?"

Nalipat ang tingin ko kay Manang Karing na kasalukuyang nasa harapan ko. Nandito kami sa may pasilyo ng mga iba't-ibang tinapay at kakakuha nga lang ni Manang Karing ng tatlong balot ng tasty bread at inilagay iyon sa cart na tulak ko. Ang cart na halos mapuno na sa dami ng laman.

Agad akong umiling kay Manang. "Wala naman po."

"Basta ha, kapag may gusto ka, magsabi ka lang," sagot ni Manang Karing.

Tumango na lang ako. Kahit may iilan akong tiningnan kanina ay hindi ko pa rin magawang magpabili kay Manang Karing.

Nauna nang naglakad si Manang Karing at ako naman ay marahang sumunod.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon