Kabanata 40

2.4K 84 8
                                    

'ARE you still up?'

Napabuntong-hininga ako nang mabasa ang mensahe galing kay Braeden.

Pagkatapos ng binalita ni Canaan, hindi na kami nagkausap pa. Kahit noong hapunan ay pareho kaming walang imik na dalawa. Mabuti na nga lang at balot pa rin ng pagkasabik sina Manang Karing tungkol sa nalalapit na pagbabalik ng mag-asawa at mukhang wala namang nakapansin sa pananahimik namin.

At kahit nga nang makabalik na ako sa silid ay walang paramdam si Braeden. Ni hindi nga siya nagpadala ng good night message na lagi niyang ginagawa.

Kaya nga nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone at makitang may mensahe siya. Akala ko talaga'y wala nang maririnig mula sa kanya ngayong gabi.

Nagsimula na akong magtipa ng sagot.

Ako: Gising pa. Bakit?

At hindi nagtagal nang muling tumunog ang cellphone ko.

Braeden: Can we talk?

Mabilis din ang pagsagot ko.

Ako: Sige. Tungkol saan?

Hinintay ko ang sagot ni Braeden ngunit walang dumating. Tatawag kaya siya?

Halos isang minuto rin ang nagdaan bago tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at naghintay sa sasabihin ni Braeden ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinambit. "Open the door."

"Ha?" gulat ko pa ring tanong. "Nasa labas ka ng pinto ko? Akala ko sa tawag lang tayo mag-uusap."

Nadinig kong nagpakawala nang malalim na hininga si Braeden bago sumagot. "I just thought it'd be better if we talk face to face. I mean...kung okay lang sayo."

Napalunok ako. Matagal na nung huling beses kaming nagkasama ni Braeden sa loob ng kwarto na kaming dalawa lang at hindi ko maiwasang magtungo ang isipan sa kung anong kinahantungan namin sa dalawang beses na nangyari iyon.

Pero mag-uusap kayo ngayon, Atashka. At seryosong bagay ang pag-uusapan niyo.

Huminga ako nang malalim saka sumagot na rin kay Braeden. "Okay lang sa akin. Sandali lang, bubuksan ko na 'yung pinto."

Pinutol ko na ang tawag saka initsa ang cellphone sa kama bago ako tumayo at nagtungo sa pinto. Binuksan ko iyon at napasinghap nang makita si Braeden. Ilang oras ko lang hindi nakita ang mukha niya ngunit pakiramdam ko'y sobra ko siyang namiss.

Humakbang si Braeden at binigyan ko naman siya ng daan. Nang pareho na kaming makapasok sa loob ng kwarto'y agad niyang nilapat pasara ang pinto saka ini-lock iyon. 

"Hi," bati niya.

Ngumiti ako at magtatanong pa lang dapat kung anong pag-uusapan namin nang biglang hapitin niya ako sa bewang at inihanda ko na ang sarili sa sunod niyang ginawa.

Sinagot ko ang halik niya habang ang parehong kamay ay kumapit sa balikat niya.

Binigyan pa ako ni Braeden nang magkasunod na mabilis na halik bago siya tuluyang humiwalay sa akin at malaki ang ngiti sa labi nang sabihin, "That's for our good night kiss."

Ngumiti ako ngunit pinanliitan siya ng mata. "Ito ba ang sasabihin mo sa akin?"

Natawa siya't marahang umiling. "Of course not. Should we sit? Medyo marami tayong pag-uusapan."

Tumango ako at doon kami nagtungo sa sofa sa tapat ng kama. Nang makaupo ay inabot ni Braeden ang kamay ko at hinawakan iyon na tila kumukuha ng lakas mula doon.

"So, they'll be here on Sunday. And about our plan...I'm afraid but we can no longer do it."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Ang totoo'y iyon na din ang nasa isipan ko kanina. Alam kong marami na kaming hindi magagawa dahil sa napaagang pagdating ng mag-asawang Koss.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon