Kabanata 15

3.9K 123 29
                                    

'SHE'S my date.'

Ilang beses na pumailanlang ang mga salitang iyon sa aking isipan bago ko tuluyang naunawaan na ako ang tinutukoy ni Sir Axen.

Parang huli ring nakuha ni Via ang sinabi ng boss ko dahil natagalan bago ito nagpakawala ng mahinang tawa saka nagpaskil ng ngiti sa labi.

"That's good to hear," nakangiti pa rin nitong sinabi, hindi inaalis ang tingin kay Sir Axen.

"Via," tawag ni Braeden. At doon ko lang ito muling tiningnan.

Hindi na naulit pa iyong kanina. Hindi na ito tumingin sa direksyon ko. Pero hindi pa rin nagbabago ang eskpresyon ni Braeden. Sa halip, tila mas sumeryoso pa nga ang mukha nito.

Iniwas ko na lang ang tingin saka ibinalik kay Via dahil hindi ko rin matingnan si Sir Axen na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa akin.

"We'll get going then," sabi ni Via at ngumiti pa ng huling beses sa amin bago sumama kay Braeden at naglakad na silang dalawa palayo.

Inalis na rin ni Sir Axen ang kamay sa balikat ko. Narinig ko pa itong napabuntong-hininga bago niya sinabing, "Kumuha na tayo ng pagkain."

Tumango ako't nagtungo na kami doon sa hilera ng mga pagkain. At sa panahon na pumila kami doon ay hindi ko na nakita pang muli sina Via at Braeden.

Dito pa rin kaya sila kumain? Malamang. Ano naman ang magiging dahilan para umalis sila, diba?

Nang makabalik na kami sa mesa ay agad akong kinausap ni Sir Axen.

"Tash, about earlier," sandali siyang huminto, parang mayroong tinitimbang sa isipan. Ako naman ay tahimik lang na nag-aabang, ang buong atensyon ay nasa kanya. Tumikhim siya't nagpatuloy na. "I'm sorry if I told them you're my date. I was just trying to..."

Napahinto na naman si Sir Axen. Saka siya napabuga ng hininga at napailing. "Know what? I was not really thinking earlier," pag-iiba niya ng sinasabi at doon ay alam kong wala siyang ipaalam sa akin ang totoong dahilan. "Sorry kung nadamay kita."

Ngumiti ako sa kanya. "Wala po iyon. Wag po kayong mag-alala."

Hindi iyon ang buong katotohanan. Natural hindi okay sa akin na madawit sa kung anumang bagay na wala naman talaga akong kinalaman. Pero sa sandaling panahon na nakilala ko si Sir Axen, alam kong hindi niya iyon sinasadya. At alam kong mayroong mabigat siyang dahilan kung bakit nagawa iyon.

At iyon ang hindi ko matukoy.

Kahit pa may bahagi sa akin na nais iyong alamin, alam kong wala akong karapatan kaya't nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kami't tinawag na ni Sir Axen 'yung waiter para sa bill ay kinuha ko na iyong sobre ko't inabot sa kanya.

Pero nginitian niya lang ako saka nagmuwestra sa kamay. "Ako na."

"Po?" naguguluhang kong sagot. "Pero diba po yung kulang lang po ang idadagdag niyo?"

"Just keep that for the meantime. You might use that for something emergency in the future. Saka mo na ako bayaran kapag nakasweldo ka na ng totoo."

Tinitigan ko lang si Sir Axen. Alam kong matapos ang sinabi niya'y hindi ko na mapipilit pa itong share ko sa bayad. Kaya't sa huli'y tumango na lang ako at nagpasalamat. "Thank you po."

At nang makapagbayad nga'y nag-alok na rin si Sir Axen na sumabay ako sa kanya pauwi. Hindi na sana ako papayag pero nahihiya naman akong tumanggi lalo pa't iisa lang naman ang tungo namin—sa Crescent Park.

Kaya't bandang huli'y naroon na ako sa harap ng sasakyan niya at nasa byahe na kami pauwing subdibisyon. Doon niya mismo itinigil ang kotse sa tapat ng gate ng mga Koss.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon