Kabanata 41

2.2K 83 11
                                    

unedited. excuse the errors. thank you.

*

INAASAHAN ko nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Braden, simula pa noong ipinaalam niya sa akin ang ibig sabihin ng mga unang bulaklak na ibinigay.

Ngunit iba pa rin sa pakiramdam matapos iyong marinig. Ang totoo'y hindi ko maunawaan kung anong nadarama, basta lang halu-halo na ang idinulot ng mga salitang yon sa sistema ko. Ang tanging alam ko lang ay iisa lang sinisigaw ng puso ko ngayon.

At masakit na kahit na gaano iyon kalakas, kahit na gaano iyon katindi, kahit makonsumo pa ang lahat-lahat sa akin, hindi ko iyon maaaring sabihin.

Dahil oras na hinayaan kong makawala rin ang mga salitang iyon sa bibig, alam kong mas magiging komplikado lang ang lahat. Kaya't kahit masakit sa dibdib, pagdating doon ay pinili kong maging tikom ang bibig.

Huminga ako nang malalim saka nagsalita na kay Braeden. "Hindi ko alam kung anong sasabihin."

Sinungaling, sinungaling, paulit-ulit na sigaw ng isipan ko.

Nakita ko kung paano bahagyang bumagsak ang ekspresyon sa mukha ni Braeden. Ngunit hindi nagtagal at nagpaskil ulit siya ng ngiti sa labi. "It's okay. You don't have to say anything. Like I always say, I just want to really let it out."

Hindi pa rin ako nakakasagot nang magsalita na naman siya. "Yung cake, hindi na natin nakain."

Inalalayan ako ni Braeden pabalik sa mesa saka tahimik na naming kinain 'yung dessert. Matapos doon ay magkasunod kaming gumamit ng banyo para makapaglinis na bago matulog. Si Braeden muna at nang matapos siya'y sumunod naman ako.

At nang makapasok doon ay hindi naiwasan na isipin ang biglang pananahimik ni Braeden. Kahit pa sabihin niyang ayos lang ay alam kong dinamdam niya iyong kanina.

Mayroon naman kasing mas maayos na sagot kaysa sa hindi ko alam, Atashka.

Napabuntong-hininga ako at binuksan na iyong shower saka itinapat ko ang sarili sa bumubuhos na tubig.

Nang matapos ako'y nagpatuyo ako ng katawan gamit iyong tuwalya at saka nagpunta na doon sa palitan kung saan ko iniwan ang damit kong pantulog. Isinuot ko iyong terno na itim na plain na underwear bago iyong damit pantulog ko. Kumuha ako ng bagong tuwalya para sa buhok saka lumabas na ng banyo.

Naabutan ko si Braeden sa paanan ng kama, ganoon pa rin ang ayos niya kung paano siya lumabas ng banyo kanina, may suot lang na roba.

"There's a hair dryer on the vanity," turo niya doon sa isang table sa tabi. Saka siya tumayo. "My back's kind of sore. Sa jacuzzi lang ako."

At hindi man lang niya ako hinintay na sumagot at dire-diretsong naglakad na patungo doon sa loob ng banyo. Sunod kong narinig na bumukas iyong salaming harang at yung tunog ng pagbula ng tubig.

Napabuntong-hininga ako at umupo doon sa harap ng salamin, napatingin sa repleksyon bago tiningnan iyong hair dryer.

Inisip talaga ni Braeden na basta matutulog na lang ako?

Tingnan mo kaya kung anong suot mo.

Ni hindi man lang niya ako inaya gayong sinabi niyang sabay kaming gagamit nung hot tub.

Bakit papayag ka ba?

Huminga ako nang malalim at hindi napigilan ng mga matang sipatin 'yung bouquet ng bulaklak na naroon sa table sa gilid ng kama. Paulit-ulit na naman sa isipan ko ang sinabi ni Braeden.

Sumasakit na naman ang puso ko sa mga salitang nakabaon doon. Matagal kong tinitigan ang bulaklak saka naisip na kung hindi ko maaring sabihin, bakit hindi ko na lang gawin.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon