Kabanata 21

3.2K 100 16
                                    

"RICO, how do we play this game, again?" tanong ni Braeden nang dumaan sa pwesto namin iyong host.

May pinindot ito sa microphone, mukhang pinatay muna, bago lumapit kay Braeden at ipinaliwanag na ngang muli ang mechanics ng laro.

Tahimik naman akong nakinig at mula sa mga sinabi nung Rico, nalaman kong ang parehong pares ng manlalaro ang kailangang kumagat sa mansanas habang ang mga kamay ay nasa likuran. Subalit ang isa ay para lang siguraduhin na hindi makagalaw iyong nakasabit na mansanas habang ang isa ang bahalang kumain doon. Maaari namang magpalitan basta't hindi lang sabay na kakain dahil madi-disqualify na kapag nangyari iyon.

Nagpasalamat si Braeden doon sa lalaki bago ang huli ay nagtungo sa ibang mga pares. Tumingin sa akin si Braeden. "Which one do you wanna do?"

"Okay lang kahit ano," sagot ko.

Napangiti siya nang bahagya. "Apparently, there's no 'kahit ano' sa mga gagawin."

Gusto niya ng tiyak na sagot. "Ako na lang 'yung kakagat."

Muling umangat ang gilid ng labi ni Braeden. "Okay. I'll hold the apple." Bumaba ang tingin niya sa mga kamay bago inangat patungo sa akin. "I mean...with my teeth.

At sa sinabi niyang iyon ay hindi ko naiwasan ang mga matang bumaba ang tingin sa bibig niya. Nanlaki ang mata ko't natauhan sa ginawa. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinanood ang dalawang kalalakihang may bitbit na mahabang kawayan kung saan ay mayroong mga nakasabit na mansanas. Ipinatong nila iyon sa mga bakal na nakatayo sa magkabilang gilid.

Samantala, wala naman akong narinig pa mula kay Braeden at tahimik akong nagpasalamat dahil ipinagsawalambalaha niya lang iyon.

Ilang sandali pa ay pinaghanda na rin kami. Mayroon ding mga inatasan na magbabantay sa bawat pares. Pumwesto na rin kami ni Braeden, kabilaan sa kakainin na mansanas. Medyo mahaba yung tali kaya't mas mababa sa mga bibig namin ang kinabagsakan noon. Kailangang tumungo ni Braeden para kuhain iyon. Kailangan niya ring baluktutin ang mga tuhod para maabot ko rin ang mansanas at makakagat ako.

Kinabahan ako, mukhang mahihirapan siya. Dapat yata ay palit kami ng gagawin?

Ngunit hindi ko na nasabi pa iyon nang ipinalagay na ang mga kamay namin sa likuran at nagsabi na si Rico na pagkatapos niyang magbilang ng tatlo ay magsisimula na ang laro.

Nang marinig nga ang hudyat ay dali-daling kinuha ni Braeden ang mansanas gamit ang bibig at nanatili siyang nasa mababang ayos nang lumapit ako para kumagat doon sa kabilang banda.

At dahil medyo nakaramdam ako ng pagka-asiwa sa gagawin at iniiwasan ko rin ang magkalapit ang mga bibig namin, maingat ko iyong ginawa. Sa sobrang ingat na ang bagal na. Napakaliit din ng nakagat ko mula sa mansanas.

Napansin iyon ni Braeden. Binitiwan ng bibig niya ang mansanas. "If you'll keep on that pace, matatalo tayo," kalmado pero seryoso niyang sabi saka nagbigay ng suhestiyon. "Palit tayo. Hold the apple in place and I'll do the eating."

Pumayag na rin ako. Iyon din naman ang naisip ko kanina. Ako na iyong kumuha noong mansanas at wala ng pakialam kung saan makakagat lalo pa't patuloy iyon sa paggalaw. Ngunit hindi ko naman inaasahan na sa katabi lang ng kinagatan ni Braeden ang nakagatan ko. Nadama pa ng labi ko ang lubog na naiwan sa prutas dahil sa kagat niya.

Agad kong iwinaksi iyon sa isipan at umaktong walang nangyari. Hindi pwedeng lahat ay papansinin ko at biibgyan ng kahulugan. Isa pa't nasa laro kami at hindi talaga iyon maiiwasan.

Tumayo na ako ng tuwid saka bumaba sa akin ang mukha ni Braeden. Napatda ako nang makitang nasa akin ang tingin niya habang ang kanyang bibig ay lumapat doon sa mansanas, nasakop noon ang kaninang kinagatan ko.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon