Unedited. Excuse any errors. Thank you. Enjoy. (:
*PAGKARATING sa condominium building ay doon ako pinadiretso ng gwardiya sa reception area. Ngunit nang binanggit ko ang pangalan at ang pakay dito ay pinayagan na rin akong dumiretso sa unit ni Braeden. Nasa ikalabing-walong palapag iyon. At agad kong hinanap ang numerong ibinigay sa akin ni Canaan, 1804.
Mabilis ko namang nakita iyon at agad na nag-doorbell. Ngunit kahit na ilang beses ko nang ginawa iyon ay walang nagbubukas ng pinto. Mas nadagdagan ang kaba ko saka naisipan kong sabihin iyon kay Canaan.
"Hello, Canaan. Walang nagbubukas ng pinto," agad kong sabi nang sagutin niya ang tawag. "Sigurado ka bang nandito pa siya? Baka naman umalis na."
"No, A. I was sure he's there. God, I hope he didn't do something stupid." Napabuntong-hininga siya. "Can you just open his door? I'll send you his passcode."
At hindi pa ako nakakasagot nang pinutol niya na ang tawag at sunod ko ngang natanggap ang passcode ni Braeden. Natigilan pa ako nang malaman kung ano iyon—0509.
Iyon ang petsa ng unang araw naming dalawa. Hindi ko na inabala pang tanungin si Canaan kung bakit niya alam ang tungkol doon at pinindot na ang passcode ni Braeden. May tumunog at nagawa ko nang buksan ang pinto. Ang unang bumungad ang dining area at sunod ang sala. Hindi lahat ng ilaw ay bukas ngunit dama ko naman ang lamig sa buong lugar kaya alam kong narito siya. Nilakad ko ang papunta sa hallway at tumigil nang makita ang ilang mga pintuan. Nasaan kaya siya dito?
Huminga ako nang malalim at binuksan na ang unang pintuan ngunit nakitang powder room iyon. Sinunod ko ang pangalawa at nakitang silid-tulugan iyon ngunit walang laman at mukhang hindi pa rin nagagamit. Narating ko na ang huling pinto at napahigit ng hininga nang umikot ang door knob. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto bago itinulak at nang makita kong mayroong pigurang nakahiga sa kama ay nakahinga ako nang maluwag. Mukhang natutulog lang si Braeden dito.
Wala na akong balak na gisingin pa siya. Ayos na akong makitang narito siya at ligtas. Balak ko na nga sanang lumabas ng pinto para tawagan si Canaan at balitaan ito nang mayroon akong napansin sa lapag. Bote ng gamot na ngayon ay bukas, may mga ilang tableta pa ang nagkalat sa sahig.
Biglang naulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Braeden sa telepono kagabi.
Without you, I feel like dying. It's killing me, Atashka. The pain's killing me. It fucking hurts. How can I stop this?
Parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Dali-dali ko namang pinuntahan ang nakadapa niyang katawan sa kama.
"Braeden," paulit-ulit kong tawag sabay yugyog sa kanya.
At nang walang nakukuhang reaksyon mula sa kanya'y mas nadadagdagan lang ang bigat sa pakiramdam ko, ang kaba sa dibdib.
Kinuha ko ang isang kamay niya't sinubukang damhin ang pulso doon ngunit hindi ko matukoy kung ang sariling pulso ko rin ba ang nadama. Hanggang sa hinawakan ko na siya sa balikat upang baligtarin ang katawan niya. Kailangan kong madama ang tibok ng puso niya't paghinga.
Nagawa ko iyon at pababa na dapat ang ulo sa lantad niyang dibdib ngayon nang madama kong may humawak sa aking braso. Natigilan ako't napatingin sa mukha ni Braeden na ngayon ay marahan na binuksan ang mata. Napaawang naman ang labi ko habang nakatitig lang sa kanya, pinanood ang sunod niyang gagawin.
Huminga siya nang malalim na para bang kinikilala kung sino ang hinahawakan niya ngayon. Hanggang sa magsalita siya. "Atashka, what are you doing here?"
Hinawakan ni Braeden gamit ang isa niyang kamay ang mukha ko, maingat na hinaplos ang pisngi ko, ang mata'y pumupungay-pungay pa rin. "Am I still dreaming?"
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...