Kabanata 19

3.5K 99 9
                                    

KATATAPOS lang ng shift namin nang nagmamaktol na lumapit sa akin si Ainie. Padabog pa nga niyang binuksan iyong locker niya.

"Uy, walang kasalanan sayo yang locker mo," biro ko. "Maawa ka naman."

Luminga siya sa akin at napabuntong-hininga. "Eh paano kasi. May dumating na pogi kanina tapos willing sana akong mag-extend ng ilang minuto para kunin yung order, bigla ba naman akong inunahan ni Laine. Nakakaloka!"

Napangiwi ako. Damang-dama ko iyong pagkainis ni Ainie.

"Wag kang mag-alala. Kapag may nakita akong poging kustomer sa susunod, ikaw nang hahayaan kong kumuha ng order at magserve dun," nakangiti kong sabi.

Umiling lang sa akin si Ainie. "Hindi mo ko naiintindihan, girl," sagot niya. "Feeling ko never na ako makakakita ng kasing-gwapo ni Kuya Pogi. Maliban na lang kung bumalik siya dito, na fifty-fifty pa 'yung tsansa."

"At least, meron paring tsansa," pampalubag loob ko kay Ainie. "Saka malay mo nag-dine in yun, maabutan mo pa kapag labas natin dito."

"Pero, kahit na. Iba pa rin yung makakausap ko siya," pilit pa rin ni Ainie, napasandal pa ng ulo doon sa sarado ng locker niya.

Hindi na ako sumagot at binuksan na rin iyong locker ko't kinuha iyong pampalit na damit. At pasara na ako noon nang magsalitang muli si Ainie. "Pero alam mo, Tash. May punto ka."

Nabaling muli ang tingin ko kay Ainie at kitang-kita kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. May sumilay na napakalaking ngiti sa labi niya. "Gosh, oo nga! Baka nandoon pa si Kuya Pogi. Tara, Tash, bilisan na natin!"

Iyon nga ang ginawa namin. Halos hindi ko na nga nasintas nang maayos iyong sapatos ko dahil sa pagmamadali niya sa akin.

Nang makalabas kami ng employees' area ay agad niyang nilibot ang tingin. Hindi nagtagal ay impit siyang napatili saka hinablot iyong braso ko. "OMG! Tash. Ayun siya oh! Nandito pa siya."

Kunot-noo kong tiningnan si Ainie bago sinundan ang kanyang tingin. At wala naman akong nakitang Kuya Pogi gaya nang kung paano niya ito isalarawan. Tatlong babae, isang matandang lalaki, at isang pamilya lang ang nakita kong kumakain sa tinitingnan na pwesto ni Ainie.

Hanggang sa nalipat ang tingin ko sa mesa sa pinakasulok at doon ay may nag-iisa ngang nakaupong lalaki. Abala ito sa pagtingin sa cellphone habang ang isang kamay ay hawak iyong burger na maya-maya ay kinakagatan.

Napakunot ako ng noo. Anong ginagawa niya dito?

"Ano, Tash? Diba ang pogi?" kinikilig pa ring sambit ni Ainie sa tabi ko.

Hindi ko pa siya nasasagot. At hindi ko na nga nagawa dahil tila nadadama nung lalaki na may nakatingin sa kanya't umangat ang kanyang mga mata at saktong dumako sa pwesto naming dalawa. Agad ako nitong nakilala, at hindi na ako nasorpresa nang bigla itong kumaway.

"OMG!" gulat na bulalas ni Ainie sa tabi ko. "Kumaway siya dito, Tash. Gosh, nanaginip ba ako? Bakit kumaway siya dito?"

Huminga ako nang malalim bago hinarap si Ainie. "Ah. Kakilala ko siya," amin ko.

Napamulaga naman siya hanggang sa sunod-sunod na nagtanong. "Kakilala mo? Paano mo naging kakilala? Kaano-ano mo siya?"

"Hey, A!"

Halos sabay kaming napatingin ni Ainie sa nagsalita.

"Canaan," balik ko sa kanya.

Mas napangiti naman si Canaan. "Tapos na ang shift mo, right? Sabi ni Manang Karing, hanggang 2 pm ka lang daw."

Tumango ako sa kanya at hindi muna pinansin ang paghigpit ng kapit sa akin ni Ainie. "Bakit ka pala nandito?"

"To fetch you," nakangiti niya pa ring sagot. "We have to go somewhere."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon