Kabanata 39

2.1K 68 12
                                    

HINDI ako nakasagot kay Braeden. Tiningnan ko lang siya.

"Sorry, did I make it awkward suddenly? Gusto ko lang sabihin kung anong nararamdaman ko," patuloy niya. "Because if this is really is it, then I don't want to regret anything. But like I said, I'm okay to whatever you can give."

Nanatili akong tahimik subalit nagpakawala na rin ng isang ngiti. Sobra lang akong nagpapasalamat sa pang-unawang meron siya. Kung gaano niya ako iniintindi lagi.

Hindi nagtagal at nag-aya na rin si Braeden na pumasok sa loob. Nagligpit na rin kami ng mga gamit. Inilagay namin ang mga bulaklak doon sa mga vase at nag-iisip pa lang ako ng idadahilan kay Manang Karing oras na makita nito ang mga iyon bukas nang nagsabi si Braeden na siya na raw ang bahala kay manang.

Kapapasok ko pa lang ng silid nang mayroong kumatok sa pintuan. Isa lang naman ang maaaring naroon sa kabilang bahagi ng pinto kaya't agad ko na rin iyong binuksan.

At ibubuka pa lang ang bibig para tanungin siya kung anong kailangan niya nang bigla niya akong kabigin saka hinagkan ang aking labi. Agad ko iyong sinagot at nang maghiwalay kami ilang minuto ang lumipas ay pareho na kaming naghahabol ng hininga. Dama ko ang pag-apoy ng pisngi ko kaya alam kong mapula iyon ngayon. Ngunit ang pinaka-pruweba na galing lang kami sa matinding halikan ay ang mga labi naming medyo maga na ngayon.

Napangiti si Braeden. "Tama talaga 'yung sinabi ko kanina. You're really getting better each time we do this. Baka mamaya mas magaling ka na sa akin ha."

"Braeden," mahina kong suway sa kanya.

Natawa siya't inabot ang pisngi ko. "That's a compliment though. I will be surely happy when you get better than me at kissing. Anyway, thanks for the good night kiss. Kapag wala pa sa kanilang bumabalik bukas pagkagising natin, can I get a good morning kiss too?"

Napaawang ang labi ko sa kanya, hindi nakasagot.

Mas napangiti pa siya. "I'll take your silence as a yes. Sige na, isara mo na 'tong pinto."

Tinitigan ako ni Braeden na tila may nais pa siyang sabihin pero wala nang lumabas pang salita mula sa bibig niya.

Nagpaalam na din ako. "Good night."

"Good night," ulit niya saka sinara ko na nga ang pinto.

Binagsak ko ang sarili sa kama saka awtomatikong nagtungo ang kamay ko sa labi, dinama iyon. Hindi naman mawala sa isipan ko yung tingin ni Braeden kanina. Tila ayaw niya pang umalis. Tila nais niya pang muling angkinin ang labi ko.

At alam ko na kung isinatinig niya iyon ay agad ko siyang pagbibigyan. Baka nga bigla ko pa siyang anyayahan sa loob ng silid ko.

Saglit akong napapikit. Malala na 'to.

Naalala ko naman yung sinabi niya kanina. Hindi ako nakasagot at hindi dahil sa nabigla ako o kung ano. Hindi ko lang alam kung paano sabihing ganoon din ang nararamdam ko—mas nahuhulog na din ako sa kanya—ngunit hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko. Sa huli'y alam kong tatapusin pa rin namin ito.

Tumunog ang cellphone ko sa night stand, ilang beses na sunod-sunod. Bumangon ako at inabot iyon.

Napangiti ako nang makitang galing ang lahat ng mensahe kay Braeden. Agad ko iyong binuksan.

Braeden: You make me happy.
Braeden: I admire you.
Braeden: I always long for you.
Braeden: I desire you.
Braeden: If you haven't searched the meaning of the flowers yet.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon