again, i didn't proofread this so please bear any errors. thank you.
*
LUMIPAS ang mga araw at patuloy ang buhay sa bahay ng mga Koss. Sabay-sabay pa rin kaming kumain tuwing hapunan, kahit nga ng dumating ang mag-asawa ay kasama pa rin si Manang Karing sa hapag. Noong una ay nag-aalangan si Manang pero si Ginoo—ang ibig kong sabihin si Dad na ang nag-aya sa kanya ay pumayag na din siya.
Dad, ulit ko sa isipan at lihim na naasiwang napangiti. Hindi pa rin ako sanay na tawagin sa ganoon ang ginoo. Ngunit wala akong magagawa gayong ito na ang nagsabi na tawagin ko raw siya sa anuman maliban lang sa ginoo.
Hindi sinasadya niya kaming naulinigan ni Canaan habang nag-uusap at kung paano ko ito tinukoy bilang ginoo. Pagkatapos noon ay agad nito akong kinausap at sinabihan na kung maari daw ay iba ang itawag ko dito. Kahit pa nga raw gayahin ko ang magkakapatid na Lander ay ayos lang. Hindi naman bagay dito ang tatay kaya't naisipan ko na lang na Dad ang itawag dito.
Nagpatuloy pa rin akong pumasok sa diner. Ang totoo'y alam na rin ng iba ang tungkol sa pagreresign ko na siyang agad na kinalungkot ng mga katrabaho. Pero nagsabi naman ako na lagi pa ring dadalaw sa kanila. Noong Huwebes ay nakakuha na nga rin ng magiging kapalit ko si Sir Axen kaya't kahapon na ang naging huling araw ko sa diner. Ngunit maya-maya ay kikitain ko ang mga taga-diner dahil mayroon daw silang despedida para sa akin. Ayoko na nga sana ngunit mapilit sila lalo na sina Ms. Shey at Sir Axen.
Sa dami ng ginawa ko sa buong linggo dapat ay nakatulong iyon upang makalimutan ko si Braeden ngunit sa oras na mapag-iisa na ako gaya ngayon na nasa silid lang ako't nakahiga sa kama habang nakamasid sa puting kisame ay hindi ko maiwasan na maglakbay na naman ang isipan sa mga panahong kasama ko siya.
Naalala ko ang bawat tingin niya, ang seryoso niya mukha, ang madadalang niyang ngiti. At sa bawat isa sa mga iyon ay nagdadala lang ng sakit sa puso ko dahil alam kong hindi ko na iyon makikita pa sa kanya. At mas nadudurog ang puso ko sa isipin na ilang buwan o linggo mula ngayon ay makikita ko na siyang may kapiling ng iba.
Lalo pa't alam mo naman ang batang 'yun. Hindi nawawalan ng nobya.
At lalong hindi nakatulong ang sinabing iyon ni Manang Karing. At kahit pa ayaw kong mangyari ang bagay na iyon ay hindi ko mapipigilan. Lalo nang wala akong karapatan. Siguro'y simula ngayon ay ihahanda ko na lang ang sarili sa sakit.
Tumunog ang cellphone ko at medyo natigilan pa nang marinig iyon bago naalalang imposible nga palang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Kaya't nang makitang galing iyon kay Sir Axen ay nakahinga na rin ako nang maluwag.
Sir Axen: Alam mo na ba yung papunta sa venue mamaya? Pwede kitang isabay.
Sa party hall ng Vergara Towers iyon. Hindi ako pamilyar pero pwede ko namang ipahanap kay Mang Dennis. Ito lang naiwang driver dahil si Mang Ramon ay sinamahan si Tita Anastacia na mag-grocery para sa family dinner mamaya.
Inaasahang kumpleto ang lahat sa hapunan kaya't madali lang din akong aattend sa party nito. Nadinig ko nga mula kay Canaan kagabi na nagsabi na rin daw si Braeden na hahabol mamaya. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko pa alam kung paano ang magiging pakikitungo sa kanya matapos ang ilang araw na hindi siya nakita.
Binalikan ko ang mensahe ni Sir Axen at nagtipa na ng reply bago kung saan pa magtungo ang isipan ko.
Ako: Ayos lang po ba 'yun talaga sa inyo?
Sir Axen: Oo naman. Sa bahay lang din naman ako manggagaling kaya pwede kitang daanan. Para hindi na rin maabala dyan sa inyo.
Sir Axen: And can you please drop the 'po'. Hindi mo na ako boss as of today. Just call me Axen. Palitan mo na din yung pangalan ko sa cellphone mo. If I know until now may 'Sir' pa yan.
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...