Kabanata 20

3.5K 95 15
                                    

HINDI pa kami nakakalayo ni Braeden nang tumunog iyong telepono niya. Agad niya iyong kinuha sa bulsa at sinagot ang tawag. "Yes, Canaan?"

Si Canaan pala ang tumawag.

"Bottled waters?" balik ni Braeden sa kapatid. "Ilan?"

Hinintay niyang sumagot ang kausap saka muling nagsalita. "Okay. Got it. Yun lang ba? Sabihin mo na lahat ng kailangan para isahan na lang."

Tumigil na naman siya at alam kong nagsasalita si Canaan sa kabilang linya.

"Alcohol?" medyo malakas na sabi ni Braeden. "I don't know. Baka matempt uminom sina Mang Dennis. Magdadrive pa sila mamaya. Baka pagdating na lang sa bahay."

Umangat ang kilay ko roon. Bahay? Ibig bang sabihin ay babalik din kami ng Maynila mamaya? Pero bakit pa ako binaunan ni Manang Karing ng gamit?

"Okay," sagot pa ni Braeden sa kapatid bago binalik yung telepono sa bulsa. Bumaling siya sa akin. "That's Canaan," imporma niya sa akin. "May pinapabili lang."

Tumango naman ako sa kanya. Ibinalik na ni Braeden ang tingin sa daan. Doon ko napiling magsalita na. "Hindi mo nabanggit sa akin itong birthday ni Donovan."

Napalinga sa akin si Braeden. "You didn't know about it?"

Umiling ako.

"Really?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Braeden. "Akala ko nasabi sayo ni Manang Karing."

"Wala siyang nasabi," tanggi ko. "Pero baka nakalimutan niya rin. Di bale, ayos naman na. Medyo nabigla lang ako na may pupuntahan pala ngayon."

"I'm sorry if I failed to tell you," hingi ng dispensa ni Braeden.

Tumingin ako sa gawi niya at nginitian siya nang makitang nasa akin ang kanyang tingin. "Okay lang. Hindi mo naman kasalanan."

Ngumiti lang ng tipid si Braeden at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho.

Hindi ko hinayaang balutin kami ng katahimikan dahil nagsalita akong muli. "Pwede palang magtanong?"

"Sure," sagot ni Braeden, ang tingin ay nasa daan pa rin.

"Bakit dito nagdiriwang si Donovan ng birthday?"

Ah, it's a long story," sagot ni Braeden saka binalingan ako ng tingin. "You still want to know?"

"Ikaw, kung ikukwento mo," saad ko.

Tipid lang siyang ngumiti sa akin saka bumalik na ang atensyon sa pagmamaneho.

Mahina akong napabuntong-hininga kasabay ang pagbagsak ng mukha. Ayaw niyang magkwento.

At ibabalik ko na rin dapat ang tingin sa labas nang magsalita si Braeden.

"Donovan got missing when he was little."

Muli akong napatingin sa kanya. "Totoo?"

Tumango si Braeden pero ang tingin ay naroon pa din sa daan. "He did. He was only five then. Sinama kaming magkakapatid ni Mommy sa mall that time. Then when we were about to go home and waiting for our ride, Donovan was nowhere to be found."

"It was later when we found out that na tumakas siya at bumalik dun sa tindahan ng musical instruments. At nung babalik siya'y naligaw siya't di na nga kami nakita. He wandered on the streets until the evening. Hanggang nakita siya nina Mang Domeng at Aling Martha."

Oh. Kasingpangalan nung mga sumalubong sa amin kanina. Ibig bang sabihin... "Yung mag-asawa kanina?"

Tumango si Braeden. "Sila nga. Back to the story, dinala nila si Donovan sa police station to report that he's missing. But since walang pwedeng magbantay kay Donovan and tiwala naman yung officer sa mag-asawa since tanod that time si Mang Domeng, hinayaan nila na iuwi yung kapatid ko. Long story short, Donovan stayed with them for a day before Mom located where he was. But the thing is kahit sa sandaling nakasama nila si Donovan, he formed a bond with them. Maybe because they don't have a child. But, yeah, Aling Martha became our nanny bago kami lumipat ng Manila. And after that, Donovan just insisted na kapag birthday niya ay dito sa Laguna ganapin para nabibisita na rin yung mag-asawa."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon