MULAT pa rin ang mata, dama ko kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko ngayon. Parang gusto nang sumabog sa bilis.
Masuyo namang bumaba ang isang kamay ni Braeden sa bewang ko at hinawakan ako doon. May kung ano lang sa paghawak niya ang nagpakalma sa akin. Napapikit ako at hinayaan na damhin ang mabagal na paggalaw ng labi niya sa akin.
At sa oras na ito, lahat ng rasyonal kong pag-iisip ay lumipad na sa kawalan. Wala nang tama o mali. Hinayaan ko lang na ang totoong nararamdaman namin ang mamayani.
Saglit pang nanatili ang labi sa akin ni Braeden bago siya marahang lumayo at maging ang mga kamay na nakahawak sa akin ay inalis na din.
Binuksan ko na rin ang mata at ang malamlam na mata ni Braeden ang sumalubong sa akin.
Bumuga siya ng hininga bago nagsalita. "You can slap me now."
Saka siya pumikit.
Napaawang ang labi ko. Hindi ko iyon gagawin. Lalo pa't kahit hindi ko man aminin, alam ko sa sariling nagustuhan ko rin yung ginawa niya.
Kaya't huminga ako nang malalim saka nagsabi na. "Bumalik na tayo sa kwarto para makapagpalit. Baka magkasakit tayo niyan."
Pareho na kaming nakapagpalit ng damit. Ako ang gumamit ng banyo at nang matapos ako ay sumunod si Braeden.
Wala kaming imik nang bumalik sa silid ngunit dama sa hangin ang makapal na tensyon.
Sinuklay ko ng daliri ang basang buhok habang tinitingnan ang repleksyon ng sarili sa salamin. Ilang araw ding nagtatalo ang damdamin ko ngunit nang mangyari ang kanina, napatunayan ko lang kung ano ang totoong nararamdaman.
Habang sinasagip siya kanina ay parang nadudurog ang puso ko. Lalo na nung hindi siya agad nagkaroon ng malay. Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.
At sa mga sandaling iyon napuno ang isipan ko ng mga bagay na pinagsisihan kong hindi nagawang ipakita sa kanya, iparamdam.
At ayoko nang maulit iyon. Ayoko nang matakot pa. Ayoko nang may pagsisihan pa sa huli. Handa na akong sumubok.
Bumukas ang pinto ng banyo at sa napalingon ako doon. Nakapagpalit na si Braeden ng damit pantulog.
Nag-angat ng tingin si Braeden, ang mata'y agad na dumako sa akin. "Can we talk?"
Marahan akong tumango. Ganoon din naman talaga ang balak ko.
Naglakad papalapit si Braeden at hinila iyong silya sa kalapit na mesa at ipinuwesto mga isang metro ang layo sa akin at umupo doon.
"Aren't you mad at me?" basag ni Braeden sa katahimikang saglit na bumalot sa aming dalawa. Nang hindi ako sumagot ay idinugtong niya, "Yung ginawa ko kanina, I know I went out of the line. It's just that I'm overwhelmed by the words you told me. The way you said them...how you were so scared to lose me. For a moment, I let myself think that you feel the same way for me. That you also like me."
Napalunok ako at sa oras na iyon ay sinabi na rin ang totoo. "Iyon nga ang nararamdaman ko."
"What?" gulat na tanong ni Braeden.
"Gusto rin kita," amin ko.
Bumagsak ang panga ni Braeden. Ngunit sandali lang bago siya nagbuga ng hininga saka matiim akong tiningnan na para bang binabasa kung anong nasa isipan ko ngayon. "You know what it means after you tell me that, right? We're going to do this. We're gonna be together."
Pirmi akong tumango, tinapatan ang tingin niya. "Alam ko. At payag akong maging tayo."
Nabalot ng parehong gulat at saya ang mukha ni Braeden at nang tumayo siya't akmang lalapit sa akin ay nilinaw ko ang naunang pahayag. "Pero hanggang sa dumating lang si Ginoong Lander."
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...