Kabanata 45

2.3K 80 18
                                    

unedited. excuse any errors. thank you.

*

"IT really feels so good to see that we're finally complete here after we came back," masayang sabi ni Tita Anastacia habang tiningnan ang bawat isang nasa hapag kainan ngayon.

Pagkarating namin ni Braeden sa bahay ay agad nang nagtawag ito upang magtungo na nga sa dining area.

"And of course, we have our newly addition to the family here, si Atashka," sabi pang muli nito bago bumaling sa akin.

Magkatabi lang kami. Habang sa kabilang banda nito ay si Dad. Sa tapat namin ay tatlong magkakapatid. At ang hindi pa inaasahang matapat sa akin ay si Braeden. Habang si Manang Karing ay naroon sa pinakadulo katabi si Donovan.

"Hon, why don't you lead us to say the grace so we can eat?" baling ni Tita Anastacia sa asawa.

Sinabihan na din kami ng Dad na tumungo at pinangunahan na nito ang pagdadasal at nang matapos ay nagsimula na ring kumain.

Naging tahimik naman ang pagkain maliban na lang sa mangilan-ngilang pagtatanong ni Tita Anastacia sa bawat isa lalo na kay Braeden na matagal niyang hindi nakita.

Nagkwento lang si Braeden ng tungkol sa shop niya at doon ay bigla kong naisip ang mga kasama doon. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kina Ate Kristine. At iniisip ko kung magagawa ko pa ba iyon kung ganito naman ang sitwasyon namin ni Braeden.

Nang oras na ng dessert ay sinamahan ni Tita Anastacia si Manang Karing para kinuha iyong binake na cake. Isa-isa niya rin kaming nilagyan sa platito.

At magsisimula pa lang dapat akong kumain nang magsalita si Tita Anastacia. "So, everyone, you already know that it's Lander's birthday this coming Saturday, right?"

Halos sabay-sabay kaming tumango. Nung isang araw pa sa akin nabanggit iyon ni Tita Anastacia. At nasabi niya nga rin na taun-taon ay may dinaraos na party para sa Dad kung saan imbitado ang mga empleyado sa kompanya nito, mga malalapit nilang kaibigan at halos mga kakilala nilang nakatira dito sa subdivision.

"Well, Lander and I are thinking na i-announce din doon ang tungkol kay Atashka."

Nakangiting tumingin sa akin si Tita Anastacia. "We will introduce you to everyone, hija, as Lander's daughter. And we're hoping na mapabilis na rin ang pagsasaayos ng mga papers so come Saturday and you'll be a Koss legally."

Hindi ako nakasagot at ngumiti lang. Nasabi na rin naman sa akin ng ama ang tungkol sa mga papeles na inaayos at pumayag naman ako na gamitin na rin ang apelyido nito. Ngunit ang tungkol sa pagpapakilala sa akin sa magaganap na party ang ngayon ko lang talaga naman.

At hindi ko mapigilan ang kabang nagsimulang maramdaman. Ang isipin lang na tatayo sa harap ng maraming tao ay hindi ko alam kung kakayanin ko. Ngunit mukhang wala naman na akong choice dahil iyon na ang napagdesisyunan ng mag-asawa.

"We can go shopping tomorrow for your dress," patuloy ni Tita Anastacia. "Sayang, we can have it customized doon sa kakilala kong designer kaso baka hindi na umabot. Hindi bale sa magiging birthday mo na lang. We'll have a grand party since it'll be your first birthday here with us. Wait, kelan pala ang birthday mo? Don't tell me tapos na."

"Sa August po," sagot ko.

Napapalakpak naman si Tita Anastacia. "Oh, that's good. Pagkatapos ng party ni Lander, agad nating planuhin iyong birthday mo. You're eighteen now, right? So, you're turning nineteen and a 19th birthday should be special and grand."

"You didn't give me a grand party when it was my 19th," singit ni Canaan.

"Because you asked for a new car instead," sagot naman ni Tita Anastacia sa anak bago bumaling sa akin agad. "Anyway, for this weekend's party, we'll make sure you will be shining." Tumingin ito kay Dad na kanina pa nangingiti habang pinagmamasdan lang kaming dalawa ni Tita Anastacia. "Humanda ka na Lander dahil baka pagkatapos nating ipakilala si Atashka sa Sabado ay araw-araw nang may bibisitang manliligaw dito."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon