Kabanata 36

2.2K 74 15
                                    

TAHIMIK akong nakaupo doon sa silya habang inaayusan nung tinatawag ni Romaine na Mimi. Para daw mas mukha akong maging presentable sa stage mamaya.

Nagsimula akong kabahan. Paano'y alam kong buong atensyon ng mga bisita ay nasa amin mamaya pero huli na para magsisi dahil nakapagprisinta na ako kay Romaine

"Girl, pakibuka ng kaunti 'yung lips mo," mahinang sabi ni Mimi.

Ginawa ko naman ang sinabi nito at sunod na niyang inilagay yung lipstick. Ngunit hindi pa siya nakatatagal sa paglalagay nang hindi sinasadyang nahulog ang lipstick na hawak at tumama iyon sa damit ko.

Nanlaki ang mata ko at sinundan ng tingin ang kulay rosas na linya sa damit at kasabay kong narinig ang malakas na pagsigaw ni Romaine. "Oh my God!"

"Sorry, sorry," paulit-ulit na hingi ng paumanhin ni Mimi. "Medyo nangalay kasi yung kamay ko. Pero subukan nating alisin 'yan."

Kinuha ni Mimi yung wet wipes sa pahabang patungan at dapat ay pupunasan na 'yung damit ko nang magsalita si Romaine. "Wait, Mimi. Baka lalong kumalat lang 'yung stain." Napabuntong-hininga siya bago tumingin sa akin. "Atashka, may isa pa akong dalang dress. Just wear it, okay?"

Dahil wala namang ibang choice ay tumango na lang ako.

Napasipol si Mimi habang si Romaine naman ay kumikinang ang mata habang nakatingin sa akin. Suot ko na 'yung sinasabing dress ng huli at kahit pa matapos makita ang mga reaksyon nila'y hindi nabawasan ang pagkaasiwa kong nararamdaman.

Paano'y ibang-iba ang itsura nitong dress sa suot ko kanina. Mula sa haba na kumpara sa naunang damit na umabot hanggang sa talampakan, ang ngayong suot ay hanggang sa itaas lang ng tuhod ko. Idagdag pa na ang suot ko ngayon ay gaya sa dress ni Romaine na bukas ang likuran. Oo nga't may iilang tali ngunit wala pa rin iyong nagawa para matakpan kahit kaunti ang likod ko. Ang tanging gusto ko lang yata sa damit na ito ay ang neckline dahil kahit papaano ay maigi namang natatakpan ang dibdib ko lalo pa't wala akong suot na panloob ngayon.

"It's crazy how she turned from a sweet lady to a sexy one in an instant," tatango-tangong komento ni Mimi.

Napangiti naman si Romaine. "I know right. My dress did it. Kaya nga isa yan sa favorite ko eh."

"True. Kapag nakaharap, pak pero kapag nakatalikod na, pak na pak. Girl, dapat mamaya mag-pose ka stage na parang ganito," suhestyon ni Mimi saka ginawa yung pose na sinasabi—ang isang kamay ay nasa bewang habang sexy na ina-anggulo ang likuran paharap. "For sure, magwawala yung mga magbibid sayo."

Natawa naman si Romaine at mahinang tinampal sa balikat si Mimi. "Don't listen to her, Atashka. Anyway, you look uneasy. Hindi ka ba komportable sa damit?"

Hindi na ako nagsinungaling pa. "Oo, ngayon pa lang kasi ako nakasuot ng ganitong klaseng damit."

Ngumiti si Romaine na tila pinagagaan ang kalooban ko. "Ugh. I'm sorry kung kailangan mong magsuot ng ganito. Yan lang kasi ang dala ko eh. Saka sisihin mo 'tong babaeng 'to," aniya at tinuro si Mimi na napaismid sa tabi. "Kung hindi dinumihan yung damit mo, hindi mo naman kailangang magpalit."

"Sorry na, Atashka, hindi ko talaga sinasadya. Promise," hingi ulit ng dispensa ni Mimi.

"Ayos na 'yun. Wala ka nang dapat pang ipag-alala," sagot ko sa kanya saka tumingin kay Romaine. "Kapag tumagal siguro ay masasanay din ako dito. Saka sandali lang naman akong tatayo sa stage, diba?"

Agad na tumango si Romaine at walang anu-ano'y biglang niyakap ako. "Thank you really for volunteering. Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob sayo, promise."

Napangiti ako at nasa ganoong ayos pa rin kami nang madinig na may tumutunog na cellphone. Kumalas sa akin si Romaine.

"That's mine," aniya saka naglakad patungo doon sa mesa sa gilid at dinampot ang cellphone niya.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon